Laman (81)
“AKALA ko ba hindi ka marunong matakot?” tanong ko kay Ate Lina makaraan ang mainit na tagpo. Hindi na ako nahihiya. Wala nang pangamba sa nangyari sa amin.
“Ngayon lang ako natakot, Benhur. Iniisip ko ang maaaring sabihin nang makaaalam — lalo ang inay mo.”
“Paano niya malalaman. Tayong dalawa lang naman ang makakaalam.”
“Walang lihim na hin-di nabubunyag, Benhur. Maski itago e lumala- bas pa rin ang katotohanan.”
“Hindi ako natatakot kahit malaman pa ng iba.”
Yumakap sa akin si Ate Lina. Siya ang tila nakasandig sa akin ngayon. Parang sa akin siya naghahanap ng lakas. Sa akin umaasa ng tibay.
“Maaari naman tayong magsama, di ba? Gusto mo lumayo tayo rito.”
“Saan naman tayo pupunta?”
“Sa ibang bansa.”
“Paano?”
“Pag-aralan natin,” sabi ko.
Tumibay ang aming relasyon. Lihim na lihim. Walang kamalay-malay si Inay sa nangyayari sa aming dalawa ni Ate Lina.
Naging routine ko na paglabas ng trabaho ay sa bahay niya ako umuuwi. Parang mag-asawa na ang aming turingan. Kulang na lang sa amin ay kasal.
“Okey na sa akin ang ganitong setup,” sabi ko.
“Gusto kong makapag-aplay sa Australia, Benhur. Yung dalawa kong kasamahan, aprubado na. Niyayaya ako.”
“Sige.”
“Kapag naroon na ako, saka ka mag-aplay. Doon na tayo mamuhay nang walang sagabal.”
“Paano si Inay? Mag- iisa siya rito.”
“Saka na natin problemahin ‘yun. Ang mahalaga muna makaalis dito.”
“Sige, ikaw ang bahala.”
“Kapag naroon na ako, sasabihin ko sa ‘yo ang mga dapat para madali ka ring makapag-aplay.”
Naimadyin ko ang mga mangyayari. Kapag nasa Australia na kami wala na kaming katatakutan. Ma-kapamumuhay na kami nang ayos. Wala nang pangingimihan dahil wala nang makakakilala sa amin. Wala na ring magtataka kung bakit mala-yo ang agwat ng edad namin. Wala na kaming iisipin pa. At higit sa lahat, hindi na kami magkakahiwalay pa.
Mabilis ang mga pangyayari. Madaling nakarating sa Australia si Ate Lina. Ako ay hindi makapaniwala.
(Tatapusin)
- Latest
- Trending