Laman (80)

INAAMIN ko iyon ang unang pagkakataon ko sa piling ng babae. Wala akong muwang. Walang nalalaman. Bagito sa la­rangan. At alam ko rin mali ang nangyayari dahil ma­layonng pinsan ni Inay si Ate Lina. Kahit paano, may nananalaytay pa ring relasyon ng dugo.

Pero ang sikad ng pag­nanasa na unang pina­siklab ni Ate Lina ay wala nang nakikilala. Wala nang pagrespeto sa re­lasyon.

Masarap ang halik ni Ate Lina na habang tu­matagal ay lalo pang su­masarap. Parang alak na aming ininom na nagha­hatid ng kakaibang init. Magandang-maganda ang tingin ko kay Ate Lina. Perpektong-perpekto sa akin. Noon pa, matagal na akong humahanga sa kan­ya. Matagal na ring may pagnanasa pero napipigil dahil may paggalang pa. Akalain ko bang ang pinag­nanasaan ay eto at siya pang magtuturo. Akalain ko bang siya ang unang mati­tikman.

“Benhur… mabuti pa ikaw.”

“Anong mabuti?”

“Walang ibang mina­mahal. Walang niloloko.”

Marami pang pasakalye pero iisa rin naman ang kahahantungan. Naiinip na ako. Ako na dapat ang gu­mawa ng hakbang. Ano bang magagawa kundi gawin na ang nararapat? Wala na akong ibang nai-isip sa pagkakataong iyon kundi ibigay ang nais ng babaing kapiling ko.

Ako na ang naghubad sa blusa niya. Nalantad ang iniingatang mga bun­dok. Matatayog pa rin ang mga iyon. Mayayabang.

Siya na ang kusang nag-alis ng natitira pang saplot.

At ako ay nagmamadali ring nag-alis ng suot na parang mauubusan.

“Ikaw na lang ang mahal ko, Benhur,” pabulong na sabi.

“Ako man, ikaw na rin ang mahal ko.”

Mas mainit ang mga su­munod pa. Mas nakatutu­pok. Parang bulkan na sa­sabog sa anumang oras ang pinipigil na sarili.

Bihasang-bihasa siya. Sanay na sanay sa laban. Punumpuno ng kara­nasan.

Hanggang sa maabot namin kapwa ang nina-nais. Naginhawahan.

“Hindi ko alam kung ano ang kasunod nito, Ben­hur..” sabi niya pag­katapos. Parang nahihin­takutan sa mga maaaring mangyari.

Ako naman ay walang pagsisisi.

(Itutuloy)

Show comments