Laman (80)
INAAMIN ko iyon ang unang pagkakataon ko sa piling ng babae. Wala akong muwang. Walang nalalaman. Bagito sa larangan. At alam ko rin mali ang nangyayari dahil malayonng pinsan ni Inay si Ate Lina. Kahit paano, may nananalaytay pa ring relasyon ng dugo.
Pero ang sikad ng pagnanasa na unang pinasiklab ni Ate Lina ay wala nang nakikilala. Wala nang pagrespeto sa relasyon.
Masarap ang halik ni Ate Lina na habang tumatagal ay lalo pang sumasarap. Parang alak na aming ininom na naghahatid ng kakaibang init. Magandang-maganda ang tingin ko kay Ate Lina. Perpektong-perpekto sa akin. Noon pa, matagal na akong humahanga sa kanya. Matagal na ring may pagnanasa pero napipigil dahil may paggalang pa. Akalain ko bang ang pinagnanasaan ay eto at siya pang magtuturo. Akalain ko bang siya ang unang matitikman.
“Benhur… mabuti pa ikaw.”
“Anong mabuti?”
“Walang ibang minamahal. Walang niloloko.”
Marami pang pasakalye pero iisa rin naman ang kahahantungan. Naiinip na ako. Ako na dapat ang gumawa ng hakbang. Ano bang magagawa kundi gawin na ang nararapat? Wala na akong ibang nai-isip sa pagkakataong iyon kundi ibigay ang nais ng babaing kapiling ko.
Ako na ang naghubad sa blusa niya. Nalantad ang iniingatang mga bundok. Matatayog pa rin ang mga iyon. Mayayabang.
Siya na ang kusang nag-alis ng natitira pang saplot.
At ako ay nagmamadali ring nag-alis ng suot na parang mauubusan.
“Ikaw na lang ang mahal ko, Benhur,” pabulong na sabi.
“Ako man, ikaw na rin ang mahal ko.”
Mas mainit ang mga sumunod pa. Mas nakatutupok. Parang bulkan na sasabog sa anumang oras ang pinipigil na sarili.
Bihasang-bihasa siya. Sanay na sanay sa laban. Punumpuno ng karanasan.
Hanggang sa maabot namin kapwa ang nina-nais. Naginhawahan.
“Hindi ko alam kung ano ang kasunod nito, Benhur..” sabi niya pagkatapos. Parang nahihintakutan sa mga maaaring mangyari.
Ako naman ay walang pagsisisi.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending