Laman (79)
TUMABI sa akin si Ate Lina. Ano ba ang nangyayaring ito? Nalanghap ko ang kanyang pabango. Babaing-babae ang samyo. May nagbabangong pagnanasa. Puwede bang mangyari ito? Pero totoo. Nararamdaman ko.
“Para na talaga akong mumurahing babae sa tingin ni Job. Akalain mo, gusto lang pala akong babaehin.”
“Kasi naman nagtiwala ka agad. Noon pang makita ko ang Job na iyon duda na ako.”
“Naikama na ako ng hayop. Pero nang tanungin ko kung kailan kami magpapakasal e walang masabi. Saka nadulas, na meron siyang asawa.”
“Pinrangka mo na agad ng oras na ’yun?”
“Oo. Kilala mo naman ako, Benhur. Kapag nawalan na ako ng gana o kapag nasaktan na, ayaw ko na.”
“Anong balak mo?”
“Wala. Maglasing.”
“Kaya mo ako pinapunta rito para me makasama kang maglasing.”
“Ano pa? Ikaw lang naman ang nakakaintindi sa akin,” sabi at makahulugang tumitig sa akin.
“Ate Lina…”
“Sana ikaw na lang ang pinatulan ko.”
“Ate Lina naman…”
“Bakit ayaw mo?”
“Lasing ka na yata…”
“E ikaw lasing ka na rin di ba?”
“Pero malinaw pa ang isip ko.”
“Ikaw Benhur ha, parang sinabi mo nang sira ako.”
“Ate Lina…”
Pero hindi na yata naririnig ni Ate Lina ang anumang sabihin ko. Nakaakbay na siya sa akin. Lalo kong nasamyo ang pabango. Nadama ng mga braso ko ang mayayabong na dibdib.
At kasunod ay ang pagdampi ng nagbabagang labi sa labi ko. Nararamdaman ko ang pagkatupok.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending