Laman (78)

NANG matapos akong kumain, inilabas ni Ate Lina ang mama­haling alak. Alam kong ma­mahalin sapagkat ang alak ding iyon ang isinisilbi kapag nag-iinuman kami sa ba­hay ng aming big boss. Ma­sarap ang alak na iyon. Suwabe kung hu­ma­god at dahan-dahan kung tumama.

“Umiinom ka, Be­ n­hur?”

“Kaunti pero puwe­de ring marami.”

“Iinom ako kaya ka­ ilangan ganahan ka.”

“Sinabi mo.”

“Doon tayo sa sa­las. Mas masarap na­kaupo sa sopa. Dala­hin mo ‘yang baso at saka ma­lamig na tu­big.”

“Talagang mayroon kang sasabihin na   ma­halaga dahil gusto mong uninom.”

Hindi nagsalita.

Dinala ko ang da­la­wang baso at saka ma­lamig na tubig. Na­una sa akin si Ate Lina at napagmasdan ko na­man ang makinis na hita at binti. Ano itong guma­gapang sa aking kata­uhan?

“Halika Benhur. Buk­sam mong alak.”

Binuksan ko. Na­sam­yo ko ang maba­ngong alak. Nakikilala sa sam­yo ang mama­halin at masarap na alak.

Nagsalin ako sa ma­­liit na baso. Kalahati lang.

“Baka may duma­-ting Ate Lina e ma-out   of place ako.”

Nagtawa si Ate Lina.

“Ikaw talaga Ben­hur, ang korni mo. Para kang bakla…”

“Uy hindi ako bakla ha?”

“E bakit wala akong nabalitaan na nilili­ga­wan ka. Magbuburo ka ba?”

“Hindi.”

“O e ba’t wala kang nililigawan.”

“Wala pang magus­tuhan eh.”

“O baka naman hin­di ka marunong man­ligaw.”

Umamin na ako.

“Hindi nga. Saka wala talaga akong ma­gustuhan.”

“Kahit kailan hindi ka nagkagusto?”

“Nagkagusto. Kaya lang hindi na puwede saka hindi talaga pu­wede. Bawal.”

“Ay ang korni nito. Pabawal-bawal pa. Sino ba ‘yun, Benhur.”

“Saka ko na lang sa­bihin, hwag ngayon.”

“Ay naku, sige na nga, uminom na tayo.”

Nag-toast kami. Inu­bos ko ang laman ng kalahating baso. Si Ate Lina kalahati lang.

“E ikaw ano ba ‘yung ipagtatapat mo at pi­napunta mo ako rito.”

Bago sumagot ay tinungga ang natitirang kalahai sa baso.

“Dahil kay Job. Me asa­­wa pala siya. Ga­ga­win lang pala akong ka­ bit. Laman ko lang pala ang gusto ng hayop!”

Tulig ako. Nanga­-pal ang mukha. Para bang umepekto agad ang masarap na alak.

Nagsalin muli ako sa dalawang baso. Ininom ko ang para sa akin. Si Ate Lina, naka­tingin lang sa akin. Ewan ko pero natutu­wa ako na wala na si Job sa buhay niya.

(Itutuloy)

Show comments