Laman (77)
“HALIKA na, Benhur!”
Tawag ni Ate Lina mula sa kusina. Tumayo ako. Habang palapit ako sa kusina ay nasasamyo ko ang mabangong karne na niluto ni Ate Lina. Bistik Pilipino. Bukod doon nasamyo ko rin ang mabanong kanin.
Hindi lang pala Bistik Pilipino ang inihanda, marami pa. Pero sa lahat ang Bistik Pilipino niya ang pinaka-gusto ko. Masarap ang laman,
“Upo na, Benhur.”
“Ikaw?”
“Babantayan na lang kita.”
“Baka me iba ka pang bisita…”
“Ay ang kulit nito. Papu-puntahin ba kita rito kung may iba pa akong bisita?”
“Si Job?”
“Huwag mo ngang banggitin ‘yun.”
“Bakit?”
“Basta! Kumain ka na nga lang, Benhur.”
Nagkamay ako. Mas masarap kainin ang Bistik Pili- pino kung nakakamay. Nalalasap ang linamnam. Nadarama ang sarap.
“Ayaw mo ng ibang ulam, Benhur?”
“Tama na ‘tong bistik. Masyado akong nasabik.”
Nagtawa si Ate Lina.
“Masarap?”
“Super.”
Kumuha ng tubig sa ref si Ate Lina. Nagpapawis ang tubig sa kristal na lalagyan. Nagsalin sa baso. Idinulot sa akin.
“Uminom ka muna at nakakahirin.”
Inabot ko ang baso ng tubig. Sa pag-abot, nahipo ko ang daliri. Nagkatinginan kami. Bina wi ko. Hindi ko kaya ang tingin ni Ate Lina.
Ininom ko ang tubig. Straight. Ang sarap!
“Isa pa”
Tumango ako. Sinalinan pa niya. Dinampot ko at ininom uli. Ubos na naman.
“Uhaw na uhaw ka Benhur.”
“Oo nga. Matagal na.”
Nagkatinginan kami. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na binawi ang pagkakatingin. Lumaban ako sa kanya ng tinginan. Matagal.
“Ikaw Benhur ha?”
Hindi ako nagsalita pero hindi ko inaalis ang pagkakatingin sa kanya.
“Akala ko may sasabihin ka? Di ba kaya mo ako pi- napunta rito?”
tanong ko.
Napatungo siya. Nilaro ng daliri ang basong ininuman ko.
“Anong sasabihin mo?” tanong ko.
“Tapusin mo muna ang pagkain mo.”
Sinaid ko ang kanin sa pinggan. Masarap talaga ang Bistik Pilipino. Purong laman.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending