PUMUNTA ako ng gabing iyon sa malaking bahay ni Ate Lina. Pero habang nag mamaneho patungo roon, naisip ko, paano kung naroon si Job. Baka lumabas na tanga ako roon. Pero sabi ni Ate Lina, pumunta ako dahil meron siyang mahalagang sasabihin sa akin. Ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho. Gusto kong makarating sa bahay ni Ate Lina.
Walang sasakyan na nakaparada sa tapat ng kanyang bahay. Ibig sabihin wala si Job. Ang nakita ko ay pulang sasakyan ni Ate Lina sa garahe. Maliwanag sa gate. Binuksan na ni Ate Lina na parang sigurado na darating ako. Ano ba itong naisipan ni Ate Lina at sa disoras ng gabi pa ako pinapunta?
Hindi ko pa natutuunan ang door bell ay nakita kong palabas na si Ate Lina. Wala siyang katulong o maid sa ba hay. Habang papalapit nakita ko ang magagandang hita na inilantad ng kaking shorts.
“Ang bilis mo, Benhur,” sabi niya habang inaalis ang kandado ng gate. Rehas-rehas ang malalaking bakal. Ibinukas niya.
“Walang trapik eh.”
“Anong sabi ng Inay mo?”
“Wala si Inay nasa probin siya. Naiinip na raw siya rito.”
“Mabuti naman.”
Nahiwagaan ako sa sina-bi niya.
“Halika sa loob. Hindi ka pa kumakain ano?” tanong niya habang patungo kami sa loob.
“Hindi pa nga.”
“Tamang-tama ang niluto kong ulam, paborito mo.”
“Ano?”
“Bistik Tagalog. Di ba yun din ang lagi mong niluluto noong magkasama pa tayo sa tirahan sa Sampaloc?
“Oo paborito ko yun at saka yung corned beef na may tinadtad na patatas.”
Nagtawa si Ate Lina.
“Ang sarap alalahanin ng nakaraan ano, Benhur?”
“Yung alaala n’yo ni Joshua?”
“Kasama ‘yun.”
“Yung ginawa sa’yo ni Cynthia at ang nakaraan n’yo ni Raffy?”
Napaismid si Ate Lina.
“Huwag mo nang ipaalala sa akin ‘yun.”
“E ang kay Job?”
“Wala pa nagsisimula pa lang.”
Itinuro niya sa akin ang sopa.
“Maupo ka at maghahain ako.”
“Tulungan na kita.”
“Basta maupo ka diyan at pagsisilbihan kita.”
Nakamaang ako. Nasundan ko ang pagtungo niya sa kusina. Makinis, magaganda at mahubog pa rin ang mga binti at hita ni Ate Lina. Hindi kumukupas. Naalala ko noong unang makita ang black bikini niya nang mag tungo sa probinsiya. Nasa ilalim ako ng silong noon. (Itutuloy)