Laman (68)

Iyon ang kuwento ng mga nakaraan ni Ate Lina. Masyadong ma­salimuot. Hindi ko aka­lain na ang nasa likod nang maganda niyang mukha at ka­tawan ay isang pam­bihirang ku­wento. Masyado nang mara­ming pinag­da­anan si Ate Lina lalo na sa pag-ibig.

“Kapag sikat ka nang journalist e isu­lat mo ako ha Ben­hur,” sabi muli niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla niyang naisip ang ganun.

“Oo Ate Lina. Ikaw ang unang makaka­basa ng gagawin kong kuwento.”

“Sige asahan ko ‘yan.”

“Nagtataka lang ako Ate Lina kung bakit ang binagsakan mong tra­ba­ho ay sa pagiging GRO gayung saleslady ka na sa isang mala­king department store.”

“Sabi ko na nga ba’t hindi yun makakalusot sa’yo. Matalino ka tala­ga, Benhur.”

“Bakit ka nga ba nag-GRO?” “Mula kasi nang mangyari ang trahedya kina Cynthia at Raffy ay tila ba na-sira na rin ang mga pag­­papasya ko sa bu­hay. Para bang nawa­lan ako ng direksiyon. Hanggang sa masum­pu­ngan ko na lamang na nag-aaplay sa isang sikat na club sa Que­zon City. Natanggap naman agad ako. Ma­ganda raw kasi ako.”

“Okey naman?”

“Oo. Nang tumagal lipat ako sa mas ma­laki at sikat na club. Hang­gang ako ang maging “star” at la­ging inaa­bangan ng mga kala­lakihan. Sumikat ang club na iyon dahil sa akin. Dinudumog.”

(Itutuloy)


Show comments