^

True Confessions

Laman (66)

- Ronnie M. Halos -

Nakaganti na si Ate Lina kay Cynthia. Ngunit ang hindi niya maintin­dihan ay ang damdamin para kay Raffy. Ngayong tapos na niyang gamitin si Raffy para makaganti kay Cynthia, ayaw naman niyang mahiwalay na rito. Napamahal na raw yata sa kanya ang lalaking ito. Gusto na nga yata niyang pumayag sa alok ni Raffy na magpakasal na muna sila sa huwes. Hindi nag­kukunwari si Raffy sa pag-aalok ng kasal. Tala­gang gusto siya nito. Hin­di lamang katawan at “laman” niya ang gusto nito kundi pati ang buo niyang pagkatao.

Hindi makatulog si Ate Lina ng gabing iyon. Hindi rin naman niya napansin na wala pa nga pala si Raffy pagkaraang magpaalam kanina. Nasaan na kaya? Pupunta lamang daw sa pinsan nito at may ikukun­sulta pero hindi pa buma­balik. Kinabahan daw si Ate Lina. Kakaibang kaba ang nadama niya sa oras na iyon.

Nawala lamang ang kaba nang eksaktong alas-kuwatro ng madaling araw ay may kumatok sa pinto. Si Raffy! Lasing na lasing. Inihatid ng pinsan nito.

Pinunasan ni Ate Lina. Pinalitan ng damit. Inayos ang pagkakahiga. Saka tinabihan sa pagtulog.

Pinagmasdan niya si Raffy habang natutulog. Noon lamang daw niya napansin na hawig si Raffy sa namatay na nobyong si Josh. Oo nga! Malaki ang pagkakahawig. O dinada-ya lamang siya ng pani­ngin? Ilang ulit na ipinikit at idinilat ang mga mata. Ga­noon pa rin. Talagang mala­ki ang pagkakahawig ni Raffy at Josh.

Hinalikan ni Ate Lina sa labi si Raffy. At noon din ay nagpasya siya, bukas na bukas ay yayayain niyang magpakasal sila sa huwes ni Raffy. Hindi na siya tutu­tol. Bakit pa siya tututol gayung tapos na ang pag­hihiganti.

Kinabukasan ng uma-ga, nagulat na lamang ako nang marinig ang balita sa TV na isang babae ang nagpakamatay dahil hindi sinipot ng lalaki sa araw    ng kasal. Ang babae ay nakilalang sa pangalang Cynthia ng Sampaloc, Manila.

Hindi makapaniwala   si Ate Lina. Nakamula- gat habang pinanonood ang balita sa nagbigting babae. Nang alisin sa pagkakabigti, nakum­pirma ni Ate Lina na si Cynthia nga ang babae.

(Itutuloy)


vuukle comment

ATE

ATE LINA

BAKIT

HINALIKAN

LINA

RAFFY

SHY

SI RAFFY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with