^

True Confessions

Laman (64)

- Ronnie M. Halos -

HINDI na sinipot ni Raffy si Cynthia mula noon. Ang masakit nga, nakatakda na ang kanilang kasal sa susunod na buwan. Na­ayos na ang lahat. Naipa­mudmod na nga ang wedding invitations. Talaga palang nangyayari ang ganoon — may mga ba­baing iniiwan ng lalaki para lamang makapiling ang iba pang babae. Nagta­gumpay si Ate Lina na ma­agaw si Raffy sa kaaway niyang si Cynth.

Ipinagkaloob ni Ate Lina ang sarili kay Raffy. Iyon naman ang kapalit ng pagtalikod ni Raffy kay Cynth. Pero ayon kay Ate Lina, siguro nga’y mahal siya ni Raffy sapagkat wala itong pagsisisi sa ginawang pagtalikod kay Cynthia.

“Nagsisisi ka, Raffy?” tanong ni Ate Lina habang magkatabi silang magka­yakap at hubad. Nasa isang hotel sila sa Tagaytay. Doon sila nagtungo para “mag­tago”.

“Ba’t naman ako mag­sisisi? Baka magsisi ako kung hindi kita nakuha.”

Hinalikan niya sa labi si Raffy.

“Talagang mahal mo ako?”

“Kailangan mo ba pang itanong ‘yan?” “Malay ko kung ang gusto mo lang sa akin ay ang “petsay” ko. Malay ko kung libog lang ang naramdaman mo.”

“Iiwan ko ba si Cynth kung “libog” lang ang na­ramdaman ko?”

Hinalikan pa ni Ate Lina si Raffy.

“Ano kayang gagawin ng siyota mong si Cynth kapag nalamang wala   nang kasal na matutuloy.”

“Okey lang din siguro   sa kanya. Matigas naman ang babaing iyon. Hindi iyon basta sumusuko.”

“Gaano kaya siya kati­gas, Raffy?”

“Matibay siya, Lina. Ayaw ko rin naman sa ba­baing hindi marunong yu­muko.”

“Bakit mo siya nagustu­han?”

“Hindi ko nga maintin­dihan. Ewan ko…”

“Pero ang tagal n’yo di ba?”

“Oo.”

“Nang dumating ako sa buhay mo, biglang nawala ang pagtingin mo sa babaing ‘yun?”

“Oo.”

Natahimik si Ate Lina. Nag-isip nang malalim. Nakayakap siya kay Raffy.

“Pagkatapos nito, tahimik na siguro ako,” sabi niya pagkatapos.

“Anong tahimik, Lina?”

Hindi nakasagot si Ate Lina. Bakit ba nasabi niya iyon?

(Itutuloy)

ATE

ATE LINA

BAKIT

CYNTH

LINA

RAFFY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with