Laman (63)
HINALIKAN niya sa labi. Siniil nang todo. Mainit na mainit. Gumapang ang kanang kamay ni Ate Lina patungo sa harapan ni Raffy. Dinama ang “laman” sa bahaging iyon. Ang “laman” ay unti-unting nagkabuhay. Lalong nagbaga si Raffy sa gina-wang iyon ni Ate Lina. Naisip daw ni Ate Lina, kahit na ano ang ipaga- wa niya rito ay tiyak na susundin — kahit pa nga iwanan nito si Cynth sa araw mismo ng kasal nito.
Nang bumitaw si Ate Lina sa pagkakasakmal kay Raffy ay naghabol pareho sila ng hininga. Natigilan pagkatapos. Si Raffy ay natulala. Hindi niya akalaing magiging ganoon ka-wild si Ate Lina.
“Binibitin mo naman ako, Lina.”
“Huwag kang mainip, Raffy. Teka, gusto mo ba talagang tayo na ang magkasama?”
“Siyempre naman. Ikaw ang gusto ko kaysa kay Cynth.”
“Paano ako makasisi-guro?”
“Hindi ka pa ba nanini- wala e halos hindi na nga ako humihiwalay sa’yo Lina.”
“Malay ko ba? Hindi naman kita nasusundan pagkagaling mo rito.”
“Ikaw nga ang gusto ko at hindi si Cynth. Nagsasawa na ako sa kanya.”
“E ikakasal na kayo, paano yun.”
“Hindi ko nga siya sisiputin.”
“Mahirap yun, Raffy. Mas mabuti pa sabihin mo na nang harapan na ayaw mo na. Sabihin mo may nakita ka ng iba.”
“Hindi ko kaya ‘yun. Okey na sa akin na huwag na siyang siputin.”
Lihim na natuwa si Ate Lina. Tiyak niya, si Raffy ay sa kanya na.
“Pero huwag mo na akong bitinin, Lina. Ituloy na natin, tutal ikaw naman talaga ang gusto ko. Ano, Lina.”
“Kapag nasiguro kong ako nga ang sasama- han mo at hindi ang siyota mo.”
Napailing-iling si Raffy pero wala siyang magawa kundi sumunod kay Ate Lina. Talagang mahal ni Raffy si Ate Lina.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending