^

True Confessions

Laman (54)

- Ronnie M. Halos -

Sabado ang libing ni Joshua. Pinlano ni Ate Lina ang gagawin para makadalo na hindi na­mamalayan ng mommy ni Joshua at ni Cynth. Naisip niyang mag-disguise katulad ng gi­nawa sa funeraria. Si­guro naman sa dami ng mga dadalo sa libing ay hindi siya mapapansin. Siyempre ang mga ka­mag-anak ni Joshua ay abalang-abala. Maaari siyang makihalubilo sa karamihan.

Sumapit ang Sabado, maaga pa lamang ay handa na si Ate Lina. Mas nauna pa siya sa lugar na paglilibingan sa isang memorial park. Nang du­mating ang libing at pan­samantalang inilagak sa chapel doon, nagawa niyang makalapit kaba­ong ng kasintahan. Na­sul­yapan niya ang ka­anyuan ng kasintahan. Nag-ukol ng dalangin at pamamaalam. May uma­gos na luha. Paalam Josh…

Ipinasok na ang ka­baong sa nitso. Hang­gang sa unti-unti nang mag-alisan ang mga nakipaglibing. Sinaman­tala na iyon ni Ate Lina. Kailangang makisabay sa agos ng tao at baka siya mapansin.

Naglakad siya pala­bas. Malayo ring lakarin.

Hindi namalayan ni Ate Lina na may naka­buntot pala sa kanyang da­lawang babae. Si Cynthia ang isa! Mabilis ang pangyayari. Nadak­ma ni Cynthia ang bu­hok niya at nasabunot at pagbaling niya isang malakas na sampal ang tumulig sa kanya. Mainit ang palad na dumapo sa kanyang kaliwang pisngi. Nang lalaban siya, ang ka­samang babae naman ni Cynthia ang sumam­pal sa kanya!

(Itutuloy)


ATE LINA

CYNTH

IPINASOK

ITUTULOY

KAILANGANG

NANG

PAALAM JOSH

SABADO

SHY

SI CYNTHIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with