^

True Confessions

Laman (49)

- Ronnie M. Halos -

“HINDI na umaalis dito si Cynth. Nasa probinsiya yata ang mommy ni Josh,” sabi ng nurse na Lyra.

“Kung pumunta kaya ako riyan, Lyra,”

“Delikado, Lina. Ako ang malilintikan sa super­bisor namin, Lina. Baka ma­­sibak ako kapag nag­papasok ng ibang tao. Mahigpit ang bilin.”

Naghimutok daw si Ate Lina. Hindi malaman ang gagawin,

“Huwag kang mag-alala Lina at kapag nakita kong umalis si Cynth, timbrehan kita.”

“Salamat, Lyra.”

“Pinsan nga ba talaga ni Josh ang Cynth na iyon? Ba’t ang tingin ko e mahigit pa sa pinsan,?”

Ikinuwento raw ni Ate Lina kay Lyra ang tungko kay Cynth.

“Kaya pala ganoon. E halos sa kama na siya ni Josh matulog gayung me­ron na­ mang sopa sa ibaba para sa watcher.”

Hindi na raw nakapag­salita si Ate Lina pero ma­sa­ma ang loob, Para raw ngina­ngatngat ang puso sa labis na selos at sa pagka­inis sa ma­landing si Cynth.

“Sige Lina at akong ba­hala. Kakampi mo ako.”

“Salamat Lyra.”

Naikondisyon na raw ni Ate Lina ang sarili sa ano pa mang mangyayari. Tang­gap na niya sa kalooban na dara­ting ang oras at iiwanan siya ni Josh. Ma­hirap tanggapin pero sa nakikita niyang kala­gayan ni Josh, hindi na talaga ito magtatagal. Ang labis nga lang nakapagpapasakit, hindi magawa ni Ate Lina na ma­kapiling ang lalaking mina­mahal na sandali na lang ang ilalagi sa mundo. Kung maka­kapiling sana niya si Joshua, magkaka­roon ng kapanata­gan ang isipan niya. Pero sa mga nangyayari, tila wala na ngang pagkakataon pa na magkasama sila kahit min­san lang. Dasal niya ay kahit min­san lang. Kung maaari nga lang, gusto ni­yang mag­pa­buntis kay Josh para may mai­wan sa kanyang ala-ala. Hindi na niya iintindihin pa ang sa­sabihin ng ibang tao. Wala na siyang pakialam.

Lalo namang tumitindi ang kanyang pagkasuklam kay Cynth. Sobra ang gina­wa ng babaing iyon sa ka­nila ni Josh. Dahil sa pag­kuha ng picture sa kanila at pagpa­pakita nito sa mom­my ni Josh kaya nagulo ang ka­nilang bu­hay. Si Cynth ang ugat ng lahat. Nagpadala naman sa sul­sol ang mom­my ni Josh.

Nabuhay ang pag-asa ni Ate Lina nang isang umaga ay tumawag si Lyra.

“Pumunta ka rito, uma­lis ang malanding si Cynth! Ngayon na Lina!”

Sagsag sa pagtungo sa ospital si Ate Lina.

(Itutuloy)

ATE

ATE LINA

CYNTH

JOSH

LINA

SALAMAT LYRA

SHY

SI CYNTH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with