NAGSAWA sa pagkabog sa gate si Ate Lina pero hindi ito binuksan ng mommy ni Joshua. Alam niya na nasa may gate pa si Joshua at ang mommy nito. Nararamdaman niya ang pagkilos ng dalawa. Nag-aalala siya sa nangyari kay Joshua na pagbagsak kanina na parang nahilo. Alam niyang mahina ang katawan ni Joshua kaya marahil natumba. Malakas ang kutob niyang may sakit si Joshua at hindi basta pangkaraniwang sakit.
Walang nagawa si Ate Lina kundi umalis sa harapan ng gate. Ilang tao na tila nag-uusyuso sa ginawa niyang pagkabog sa gate ang nakatingin. Hindi niya pinansin ang mga usyu-sero at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kanyang tinitirahan. Hindi pa siya nakakapasok sa gate ng tinitirahan ay narinig niya ang pagdaan ng SUV ni Jo shua, nagmamadali at naka-hazards ang ilaw. Emergency na tila may isusugod sa ospital. Sinundan niya ng tingin ang sasakyan hanggang sa mawala sa kanyang paningin.
Malakas ang kutob ni Ate Lina na isinugod sa ospital si Joshua. Makaraang bumagsak kanina ay pinagtulung-tulungang buhatin at isinakay sa sasakyan. Siguro’y masama ang kalagayan ni Joshua. Baka hindi makahinga? Baka tumama ang ulo sa semento nang bumagsak. Ganoon man walang magawa si Ate Lina kundi ang umiyak. At wala siyang ibang sini-sisi sakali at may mang- yari kay Joshua kundi ang mommy nito.
Pumasok na si Ate Lina sa kanyang tinitirahan. Naisip niya, sana ay hindi siya biglang lumabas sa bahay nina Joshua. Hindi sana siya nito hinabol. Sana hinayaan na lang niya na laitin siya ng mommy ni Joshua.
Kinabukasan sinubukan niyang pumunta kina Joshua. Bahala na.
Nakapasok siya sa loob. Si Cynth ang nakita niya. Nasa may pintuan ito na parang siya ang inaabangan. Parang alam na darating siya.
(Itutuloy)