^

True Confessions

Laman (42)

- Ronnie M. Halos -

NAGSAWA sa pagkabog sa gate si Ate Lina pero hindi ito binuksan ng mommy ni Joshua. Alam niya na nasa may gate pa si Joshua at ang mommy nito. Nararamdaman niya ang pagkilos ng dalawa. Nag-aalala siya sa nang­yari kay Joshua na pag­bag­sak kanina na parang nahilo. Alam niyang mahi­na ang katawan ni Joshua kaya marahil natumba. Malakas ang kutob niyang may sakit si Joshua at hindi basta pangkara­ni­wang sakit.

Walang nagawa si Ate Lina kundi umalis sa hara­pan ng gate. Ilang tao na tila nag-uusyuso sa ginawa niyang pagkabog sa gate ang nakatingin. Hindi niya pinansin ang mga usyu­-sero at nagpatuloy sa pag­lalakad patungo sa kan­yang tinitirahan. Hindi pa siya nakakapasok sa gate ng tinitirahan ay narinig niya ang pagdaan ng SUV ni Jo­ shua, nagmamadali at naka-hazards ang ilaw. Emergency na tila may isusugod sa ospital. Sinundan niya ng tingin ang sasakyan hang­gang sa mawala sa kanyang paningin.

Malakas ang kutob ni Ate Lina na isinugod sa os­pital si Joshua. Makaraang bumagsak kanina ay pi­nagtulung-tulungang bu­hatin at isinakay sa sasak­yan. Siguro’y masama ang kalagayan ni Joshua. Baka hindi makahinga? Baka tumama ang ulo sa se­men­to nang bumagsak. Ganoon man walang magawa si   Ate Lina kundi ang umiyak. At wala siyang ibang sini-sisi sakali at may mang-   yari kay Joshua kundi ang mommy nito.

Pumasok na si Ate Lina sa kanyang tinitirahan. Naisip niya, sana ay hindi siya biglang lumabas sa bahay nina Joshua. Hindi sana siya nito hinabol. Sana hinayaan na lang niya na laitin siya ng mom­my ni Joshua.

Kinabukasan sinubu­kan niyang pumunta kina Joshua. Bahala na.

Nakapasok siya sa loob. Si Cynth ang nakita niya. Nasa may pintuan ito na parang siya ang ina­abangan. Parang alam na darating siya.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

ATE LINA

BAHALA

JOSHUA

MALAKAS

NIYA

SHY

SI CYNTH

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with