^

True Confessions

Laman (41)

- Ronnie M. Halos -

Nagmamadali raw sa paglabas si Ate Lina sa compound nina Joshua. Tuluyan na siyang napa­iyak. Masyadong masakit ang natanggap niyang pananalita mula sa mom­my ni Joshua. Meron pa palang ganitong klase ng ina harap-harapan kung laitin ang minamahal ng anak. Meron pa palang ina na hindi na iginalang ang damdamin ng anak at walang pakialam kahit nasasaktan ang anak. Akala niya sa TV lang may ganitong istorya, totoo pala.

Palabas na sa gate si Ate Lina nang marinig niya ang pagsigaw ni Joshua, Tinatawag siya nito. Pero patuloy sa paglabas si Ate Lina. Hanggang sa ma­ka­rinig daw siya ng pag­ka­labog sa may gate. Nili­ngon daw niya. Bumag­sak si Joshua. Maput­lang-maputla. Nahilo yata.

Mabilis na nagpasya si Ate Lina. Bumalik daw si Ate Lina para daluhan ang bumagsak na si Jo­shua. Subalit mas mabilis daw ang mommy nito na nasa likuran pala ni Jo­shua at mabilis na naka­big ang gate. Bumalibag ang gate. Saka narinig niya ang paglalalagay ng kandado. Sinigurong hin­di siya makapapasok.

“Joshua! Joshuaaa!”

Nasa tinig ni Ate Lina ang takot sapagkat hindi niya alam kung buhay pa o patay na si Joshua sa­pag­kat bumagsak nga ito sa semento. Pakiram­dam niya malakas ang pagka­kabagsak.

“Joshuaa!”

Kinabog ni Ate Lina ang gate pero naubos lamang ang lakas niya ay walang nagbukas o su­magot man lamang sa kabila. (Itutuloy)


ATE

ATE LINA

BUMAG

BUMALIBAG

BUMALIK

HANGGANG

LINA

MERON

NIYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with