^

True Confessions

Laman (35)

- Ronnie M. Halos -

Napahiya raw yata si Cynth sa pambabara ni Ate Lina kaya mabilis na umalis. Hindi siguro aka­lain na may usapan na    sila ni Joshua.

Nakaabang na pala si Joshua sa may pinto at maaaring nakita nito ang pag-uusap ni Ate Lina at Cynth.

Napansin daw ni Ate Lina na maputla si Joshua at halatang may sakit. Parang biglang nahulog ang katawan nito.

“Ano bang nararam­daman mo, Josh?” Nag-aalala ang tanong ni Ate Lina.

“Lagnat lang.”

“Bakit parang hinang-hina ka? Tingin ko sa’yo, bagsak na agad ang ka­tawan mo.”

“Wala ito. Halika na sa loob.”

Pumasok si Ate Lina. Wala siyang nakitang mga tao sa salas. Himala. Si Cynth nga lang ang nakita niya kanina.

“Parang wala ka yatang kasama, Josh? ”

“Nanibago ka ‘no. Dati ang ingay-ingay. Yung iba ay natutulog pa. Yung iba ay umuwi yata sa probin­siya. Yung iba pa e nagsi­simba siguro.”

“Si Cynth lang ang nakita ko. Nakasalubong ko siya kanina.”

“Nakita ko nga.”

“Ipinagkaila ka pa niya sa akin. Sabi umalis ka   raw. Sabi ko naman nag­kausap na tayo at hinihin-tay mo ako.”

“Anong reaksiyon sa sinabi mo?”

“Napahiya yata. Tuma­likod at umalis na. Halata ko, ang bigat ng dugo sa akin ng babaing ‘yun, Josh.”

Napailing-iling si Jo­shua.

“Huwag mo na lang pan­sinin. Baka me regla lang kaya masungit.”

“E ba’t ako kapag may regla hindi naman masu­ngit.”

Tinapik siya sa braso ni Joshua.

“Halika na nga rito sa kuwarto ko. Gusto kong ma­higa at magpahinga.”

Pumasok kami sa ku­warto. Hindi na ako nangi­mi. Ngayong me sakit si Joshua at kailangan ng tulong ko, hindi na ako nag-aalala sa mga sasabihin   ng mga pinsan niya— kahit pa ang masungit na si Cynth.

Maganda ang kuwarto ni Joshua. Maluwang. Na­ikumpara ko ang aking ti­rahan na anim kami sa isang kuwarto. Masikip na masikip sapagkat talagang bed lang ang laman. Mas malaki ang kuwarto ni Jo­shua na kumpleto sa gamit — TV, ref, aircon, laptop at iba pa.

“Uminom ka na ba ng gamot, Josh?”

“Paracetamol. Mawa­wala na rin siguro ito. Nan­dito ka na eh.”

“Anong kakainin mo?”

“Bahala na mamaya. Mag­padeliber na lang tayo.”

“Ipagluluto kita. Yung me sabaw para mainitan ang sikmura mo. Kapag   me sakit dapat mainit ang hinihigop.”

“Kakahiya naman sa’yo at ipagluluto pa ako.”

“Huwag ka nang mahiya at hindi bagay sa’yo.”

“Sige na nga. Meron pang karneng baka sa ref na puwedeng ilaga. Meron kaming kitchen sa pagla-bas ng kuwarto, nasa ka­liwa. Di na kita sasamahan at nanlalambot ako.”

“Ako na lang. Magpa­hinga ka na lang.”

Kinuha ko sa ref. Ini­la­bas ko sa kuwarto at di­nala sa kitchen. Pina­tuluan ko sa gripo para maalis   ang pagka-frozen. Nang puwe­de na, ginayat ko nang sing­laki ng kaha ng posporo      at saka pina­ku­luan.

Habang ginagawa ko iyon, dumating si Cynth. Takang-taka sa ginaga- wa ko.

“Aba nakakuha ng maid si Joshua. Ano ba ‘yan totohanan na o laro-laro lang.”

Nag-iinit na raw ang mukha ni Ate Lina at gus-to na niyang sapakin si Cynth. Punumpuno na siya sa babaing ito na hin­di niya alam kung bakit ganito na lamang ang   pag­kainis sa kanya.

(Itutuloy)


AKO

ATE LINA

CYNTH

LANG

SHY

SI CYNTH

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with