“BA’T naman kita ibiben-ta? Para sinabi ko lang naman dito sa siyota mo na si Auntie Rosa ay masyadong istrikto. Tanungin mo siya.”
“Alam na ni Lina ‘yan.”
“Owww?”
“Sinabi ko na sa kanya, Cynth.”
“Sinabi ko rin sa kanya na ang gustong babae ni Auntie ay mayaman di ba?”
“Hindi naman! Sobra ka namang magkuwento,” sabi ni Joshua.
Biglang napahalakhak si Cynth. Saka tumayo at dinala sa kusina ang pagkaing kinuha para sa kanya ni Joshua. Naiwang nagkatinginan sina Ate Lina at Joshua.
“Hindi ko malaman ang ugali niyang si Cynthia. Ewan ko ba.”
“Sabi niya talaga raw mahigpit ang mommy mo. Kaya nga kanina e natatakot ako nang magtungo rito. Mahal lang kita kaya inalis ko ang takot.”
“Alam mo namang mahigpit si Mommy di ba?”
“Pero mas matindi ang pagkakasabi ni Cynth. Para bang tinakot ako. Kulang na lang sabihin e huwag na akong magpakita rito.”
“Huwag mo na ngang isipin ‘yun.”
“Kung di ko alam na pinsan mo si Cynthia, iisipin ko na me gusto siya sa’yo. Pakiramdam ko, nasa ilalim ang landi niya.”
Nagtawa si Joshua.
“Alam mo ang magan-da para hindi ka mainis kay landita este Cynthia?”
“Ano?”
“Landiin mo ako.”
“Sira.”
Pinilit kalimutan ni Ate Lina ang mga sinabi ni Cynthia.
Minsan isang araw ng Linggo, umagang-umaga ay tinext daw siya ni Joshua. May sakit daw si Joshua kaya hindi muna matutuloy ang kanilang balak na panonood ng sine. Talaga raw masamang-masama ang pakiramdam. Taranta raw si Ate Lina. Hindi malaman ang gagawin. Kawawa naman si Joshua. Hanggang sa ipasya raw niyang puntahan ito. Bahala na. Kailangan ni Joshua ng tulong. Kahit na kasama nito ang mga pinsan, tiyak na mahihiyang humingi ng tulong. Tinext daw muna niya si Joshua bago nagtungo roon.
“Sige Lina, abangan kita sa may gate,” sagot ni Joshua sa text.
Nagmamadaling nag-tungo si Ate Lina. Pero nang nasa may gate na raw siya, eksakto namang palabas si Cynth.
“Wala yata si Joshua. Umalis. Sabihin ko na lang na nagpunta ka,” sabi raw nito. Malakas naman ang loob ni Ate Lina.
“Nagkausap na kami. Me sakit siya kaya hindi makaaalis.”
(Itutuloy)