Laman (32)

Maya-maya pa, may nag­salita raw na pinsan ni Joshua. Nangangantiyaw ang boses.

“Ikaw pinsan ha, tatahi-tahimik ka meron ka pa­lang tinatagong maganda ha? Alam na ba yan ni Auntie Rosa?”

Sabi naman ng isa pa, “Lagot ka kapag nalaman ’yan.”

“Hwag na lang kayong maingay, puwede?” sabi raw ni Joshua, “Mahal ko talaga itong si Lina kaya dinala ko rito.”

“Okey basta sinabi mo pinsan. Basta ba pauuta­ngin mo kami…” sabay ha­lakhak. Nagtawanan ang iba pang mga pinsan ni Joshua. Napuno ang salas. Pero ang isang babaing pinsan ni Joshua na nasa sulok ay hindi nakikisali sa pag­bibiruan. Para bang meron siyang ibang naiisip ng mga sandaling iyon. May naglalaro sa kanyang ma­likot na imahinasyon.

“Mamaya nang konti, ka­kain na tayo. Nagpa-deliber na ako. Darating na siguro ’yun. Magsasawa kayo.”

Naghiyawan ang mga pinsan ni Joshua. Isa ang lu­mapit kay Joshua at hini­mas-himas ang dibdib.

“Eto ang lalaki. Nawala na ang pagdududa ko sa’yo pinsan,” sabi at hinimas-hi­ mas pa ang dibdib ni Joshua.

“Anong pagdududa?”

“Na dyokla ka.”

Nagtawanan na naman.

“Kasi nga ikaw na lang ang walang siyota rito. Nga­yon, kumpirmado nang tunay kang lalakwe.”

Nagtawanan uli.

“Uy lalaki ito maski itanong n’yo pa kay Lina. Di ba Lina?”

Ngumiti lang daw si Ate Lina. Talaga namang tunay na lalaki si Joshua dahil minsan na siyang kinalikot sa sinehan.

“O kita n’yo ang tamis ng ngiti ni Lina. Siya ang maka­kapagsabi.”

Inirapan na raw ni Ate Lina si Joshua. Baka daw kasi isipin ng mga pinsan nito na nagagalaw na siya ni Joshua.

Maya-maya may kuma­tok sa gate. Taga-deliber ng pagkain. Isang pinsan ni Joshua ang tumakbo pa­labas at pinapasok ang taga-deliber.

Maraming pagkain ang idineliber. Binuhos yata ni Joshua ang galit sa pag-order. Malaki ang bi­nayaran sa nagdeliber.

“Okey kainan na.”

Nagkagulo na ang mag­pipinsan. Kanya-kanya nang kuha sa mga pag­kaing nakahain sa mesa — pansit, fried chicken, pusit, lumpia, fried rice, boneless bangus at ma­rami pang iba.

Nasa isang sulok naman sina Ate Lina at Joshua. Doon sila kumakain at nag­kukuwentuhan.

Ang pinsang babae ni Joshua ay hindi naman matinag sa kinauupuan nito. Ayaw pang makipag-aga­wan sa mga pinsan sa pagkuha ng pagkain.

(Itutuloy)

Show comments