^

True Confessions

Laman (20)

- Ronnie M. Halos -

KINABUKASAN, alas-tres pa lamang ng hapon ay alumpihit na raw si Ate Lina. Paano’y susunduin nga siya ni Joshua sa pi­ nagtatrabahuhang department store sa Recto Avenue. Panay daw ang sulyap niya sa kanyang relos. Ang tagal namang sumapit ng alas-singko. Panay din daw ang sul­yap niya sa salamin sa may fitting room.

Napansin nga raw siya ng isang kasamahan.

“Para kang pusang hindi matae, Lina. Kanina pa kita napapansin, bruha ka. Napapaano ka ba?”

“Wala Ate. Masaya lang.”

“Naku ha? Baka na­ nalo ka na sa lotto di ko pa alam.”

“Hindi Ate.”

“Sige hindi kung hindi. Ikaw nga muna dito sa puwesto ko at iihi lang ako.”

“Sure Ate.”

Nang sumapit ang alas singko ay nakipag-unahan daw si Ate Lina sa bundy clock para mag-punch-out. Sumaglit sa comfort room. Nag-make-up. At saka tinu­ngo ang harapan ng department store na sabi ni Joshua kahapon ay doon maghihintay.

Nagulat daw si Ate Lina nang may umakbay sa kanya — si Joshua.

“Oy loko ‘yang kamay mo baka may makakita.”

“Nangangalay na kasi kaya kailangang ipatong.”

“Sira!”

Hindi raw inalis ni Jo­shua ang kamay sa pagka­kaakbay sa kanya. Hina­yaan naman daw iyon ni Ate Lina. Ang kawalan ng pag­tutol ni Ate Lina ay kasing­kahulugan na rin ng pag­tanggap. Masaya siya kapag kasama si Joshua. At ano pa ba ang dapat sabi­hin ni Joshua? Nagkakain­tindihan na sila. Wala nang pakiyeme-kiyeme pa.

Tumawid sila sa Mo­rayta. Nakisabay sila sa mga agos ng estudyante at tao. Nakianod sila. Siya kahit saan dalhin ni Joshua, okey sa kanya.

“Kumain tayo sa bagong restaurant na yun. Masarap daw diyan, sabi ng mga klas­meyt. Mahilig ka ba sa seafoods?”

“Oo.”

“Wala kang allergy?”

“Wala po doctor.”

“Good. Malalaking hipon ang orderin natin. Ipaghi­may mo ako, puwede?”

“Oo yun lang pala eh.”

Tinungo nila ang seafood restaurant. Nakaaakit ang pangalan ng restaurant. Mapulang-mapula.

Pumasok sila. Marami nang kustomer. Ilan lang ang estudyante. Karamihan ay mga Intsik na halatang mayayaman.

“Doon tayo sa second floor. Para solo natin.”

Umakyat sila. May mga kustomer na rin doon pero kaunti pa lang.

Nilapitan sila ng la­laking tagasilbi. Si Joshua lahat ang nag-order. Hipon at alimango ang narinig niya.

Nang dalhin sa table nila ang order ay ka­takam-takam. Sa totoo lang, unang pagkakataon na kakain ng ganoon ka­raming hipon at alimango si Ate Lina.

Tinotoo niya ang si­nabi niya kay Joshua. Ipinaghimay niya ito ng hipon at alimango. Pagsi­silbihan niya ang lalaking mahal niya. Kahit ano ang hilingin ni Joshua, payag siya. Ganoon siyang mag­mahal.

(Itutuloy)

ATE

ATE LINA

HINDI ATE

JOSHUA

LINA

NIYA

SHY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with