Laman (13)

“EWAN ko nga ba kung bakit ako natangay agad sa matatamis na salita ng hayop na lalaki. Siguro’y dahil sa naghahanap din ako ng pagmamahal ng ama — kasi’y wala na­mang ipinakitang pagma­mahal si itay sa amin. Bolero ang lalaking iyon, kamukha ko raw si Ruffa Mae Quinto, flawless ang kutis, kung anu-ano pa… ako namang probin­siyana na naghaha­nap nang masasandalan, napani­wala, ayun, na­don­selya sa isang motel sa Pasay…”

Hindi ako makapag­salita. Kung kanina ay excited akong marinig ang kuwento, parang ngayon naman ay ayaw ko na dahil nakadarama ako ng awa kay Ate Lina. Akala mo, kuwentong komiks ang nangyari, totoo pala iyon.

“Ang sakit, ipinilit ng hayok na lalaki ang kan­yang ano, wala nang paki­alam sa akin basta ang gusto ay mairaos ang ka­hiligan niya…” pagpapa­tuloy ni Ate Lina. Hindi ko na mapigil ang daloy ng alaala niya nang masakit na pangyayari. Ano pa ang magagawa ko kundi pa­kinggan ang kuwento.

“Masyadong mahilig ang lalaking iyon, kahit na may edad na ay malakas pa rin. Wala na akong ma­gawa kundi tanggapin ang kaha­ yu­kan niya. Nakaraos ang lalaki. Nasiyahan siya sa­man­talang ako ay ka­hapdian at hindi maipaliwa­nag na kirot ang nararam­daman. Ang saklap ng unang kara­na­­san. Pero sa kabila noon, na­iisip ko ang mga pina­ngako ng lalaki na ititira ako sa isang ma­gandang bahay, pag-aaralin ako, bi­bigyan ng pera, kung anu-ano pa. Sa isang insurance company daw siya nagta­trabaho.”

Tumigil sandali si Ate Lina at hinagilap ang kaha ng sigarilyo na nakapatong sa may pasamano. Ku­muha ng isa. Pinakuha sa akin ang posporo sa iba­baw ng ref. Kinuha ko. Nag­sindi ng sigarilyo. Na­langhap ko ang usok.

“Sabi sa akin ng lalaki, es­pesyal daw ako sa kanya. Noon lang daw siya naka­ranas ng ganon ka­sarap. Hindi niya ako pa­babayaan. Ako naman e paniwala sa kanya. Sabi pa, iiwan daw niya ang kanyang asawa at kami na ang magsasama…”

Humitit pa si Ate Lina. Ibinuga sa ere ang usok. Na­langhap ko ang usok. Tiniis ko ang usok.

“Ibinahay nga ako ng lalaki. Alam mo kung saan ako kinuha ng bahay, diyan sa may Bilibid-Viejo sa Quiapo. Maliit na kuwarto. May mga gamit naman, maliit na ref, maliit na TV, ma­liit na kalan yun lang. Maliit na kama. Kapag gusto niya akong “anuhin” pupunta siya roon. Ako naman si gaga, payag na. Ang isang nakaka­tuwa, pinag-aral ako, diyan nga sa UE, nila­lakad ko lang pagpasok.”

Humitit uli sa sigarilyo. Isa pa. Hanggang sa ma­ubos. Iniabot sa akin ang upos na may sindi pa. Ki­nuha ko at pinatay sa lababo. Inilagay ko sa ba­surahan ang upos. Bumalik ako sa tabi ni Ate Lina.

“Tanggap ko nang pa­rausan ako ng lalaki. Ano pang magagawa ko? Kaysa naman sa mag­puta ako na walang ka­siguru­han, mabuti yun at regular na may allowance at nag-aaral pa…”

“Anong pangalan ng lalaki, Ate Lina?”

“Leopoldo. Hmp ayaw ko nang alalahanin pa ang hayop na ’yun.”

(Itutuloy)

Show comments