Laman (13)
“EWAN ko nga ba kung bakit ako natangay agad sa matatamis na salita ng hayop na lalaki. Siguro’y dahil sa naghahanap din ako ng pagmamahal ng ama — kasi’y wala namang ipinakitang pagmamahal si itay sa amin. Bolero ang lalaking iyon, kamukha ko raw si Ruffa Mae Quinto, flawless ang kutis, kung anu-ano pa… ako namang probinsiyana na naghahanap nang masasandalan, napaniwala, ayun, nadonselya sa isang motel sa Pasay…”
Hindi ako makapagsalita. Kung kanina ay excited akong marinig ang kuwento, parang ngayon naman ay ayaw ko na dahil nakadarama ako ng awa kay Ate Lina. Akala mo, kuwentong komiks ang nangyari, totoo pala iyon.
“Ang sakit, ipinilit ng hayok na lalaki ang kanyang ano, wala nang pakialam sa akin basta ang gusto ay mairaos ang kahiligan niya…” pagpapatuloy ni Ate Lina. Hindi ko na mapigil ang daloy ng alaala niya nang masakit na pangyayari. Ano pa ang magagawa ko kundi pakinggan ang kuwento.
“Masyadong mahilig ang lalaking iyon, kahit na may edad na ay malakas pa rin. Wala na akong magawa kundi tanggapin ang kaha yukan niya. Nakaraos ang lalaki. Nasiyahan siya samantalang ako ay kahapdian at hindi maipaliwanag na kirot ang nararamdaman. Ang saklap ng unang karanasan. Pero sa kabila noon, naiisip ko ang mga pinangako ng lalaki na ititira ako sa isang magandang bahay, pag-aaralin ako, bibigyan ng pera, kung anu-ano pa. Sa isang insurance company daw siya nagtatrabaho.”
Tumigil sandali si Ate Lina at hinagilap ang kaha ng sigarilyo na nakapatong sa may pasamano. Kumuha ng isa. Pinakuha sa akin ang posporo sa ibabaw ng ref. Kinuha ko. Nagsindi ng sigarilyo. Nalanghap ko ang usok.
“Sabi sa akin ng lalaki, espesyal daw ako sa kanya. Noon lang daw siya nakaranas ng ganon kasarap. Hindi niya ako pababayaan. Ako naman e paniwala sa kanya. Sabi pa, iiwan daw niya ang kanyang asawa at kami na ang magsasama…”
Humitit pa si Ate Lina. Ibinuga sa ere ang usok. Nalanghap ko ang usok. Tiniis ko ang usok.
“Ibinahay nga ako ng lalaki. Alam mo kung saan ako kinuha ng bahay, diyan sa may Bilibid-Viejo sa Quiapo. Maliit na kuwarto. May mga gamit naman, maliit na ref, maliit na TV, maliit na kalan yun lang. Maliit na kama. Kapag gusto niya akong “anuhin” pupunta siya roon. Ako naman si gaga, payag na. Ang isang nakakatuwa, pinag-aral ako, diyan nga sa UE, nilalakad ko lang pagpasok.”
Humitit uli sa sigarilyo. Isa pa. Hanggang sa maubos. Iniabot sa akin ang upos na may sindi pa. Kinuha ko at pinatay sa lababo. Inilagay ko sa basurahan ang upos. Bumalik ako sa tabi ni Ate Lina.
“Tanggap ko nang parausan ako ng lalaki. Ano pang magagawa ko? Kaysa naman sa magputa ako na walang kasiguruhan, mabuti yun at regular na may allowance at nag-aaral pa…”
“Anong pangalan ng lalaki, Ate Lina?”
“Leopoldo. Hmp ayaw ko nang alalahanin pa ang hayop na ’yun.”
(Itutuloy)
- Latest
- Trending