^

True Confessions

Karugtong ng Init(91)

- Ronnie M. Halos -

“TAMA pala ang mga iki­nuwento sa akin ni Rita. Umiyak ka nga raw nang umiyak pagkatapos na­ting magkaharap noon.”

“Nagkakausap kayo ni Rita?” takang-taka si Michelle. Hindi akalain na mayroon kaming komuni­kasyon ng kanyang ka­tulong.

“Oo. Malaki ang naga­wang tulong ni Rita sa relasyon natin.”

“Paanong nangyari iyon?”

Ikinuwento ko ang la­hat kay Michelle ng mga pagkikita at pag-uusap namin ni Rita sa isang drug store at isang restaurant. Sabi ko pa, napa­kasuwerte niya dahil nagkaroon siya ng isang matalinong maid.

“Si Rita ang nagsabi sa akin na dapat ay ligawan kitang muli at magpakita ng pagsisisi. Sinunod ko ang payo niya. At napatunayan kong tama siya.”

Pinisil ko ang palad ni Michelle.

“E di ikaw din ang nag­papadala sa akin ng tatlong red roses ano?”

“Oo.”

“Me kutob na ako na ikaw yun. Kasi noon pang nag-aaral tayo sa UST, ma­dalas mo na akong ibili ng tatlong mapupulang roses. Kaya lang, sabi ko sa sarili ko, baka naman masyado lang akong umaasa tapos hindi naman pala at ma­bigo lang uli ako.”

“Ngayon ay pawang totoo na ito, Michelle.”

“Kailangan palang mag­kahiwalay tayo para la­mang ma-realized ang im­portansiya ng bawat isa ano? Kung kailan nawala na e saka lamang maiisip ang kahalagahan.”

“Oo nga. Kailangan mu­nang makaranas ng pa­sakit.”

Kumilos ako para hali­kan ang aking mahal. Ibig kong magkasalo muli kami. Masyado akong nasabik kay Michelle. Gusto ko muling ipadama ang labis na pagmamahal sa kanya.

“Gusto mo na uli, Ross?”

“Oo.”

“Hindi ka pa ba napa­pagod?”

“Kalabaw lamang ang napapagod.”

Kinurot ako sa hita.

Sinalat ko naman ang “ano” niya. Napapitlag.

“Ross ha, baka ma­sob­ra­han na ako. Galing ako sa sakit.”

“Kahit na galing ka pa sa sakit. Wala akong pakialam.”

“Ay ang hilig.”

“Masyado akong na­uhaw sa kaseksihan mo, Michelle.”

Si Michelle naman ang sumalat sa “ano” ko. Hindi ako napapitlag. Di­nu­hapang ko na siya para masundan pa ang ginawa namin kanina. Dinugtungan namin ang napigil na init.

(Tatapusin na bukas)

AKO

KAILANGAN

MASYADO

MICHELLE

OO

SHY

SI MICHELLE

SI RITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with