AKO ang umakto sa lahat ng mga pangangaila- ngan ni Michelle. Naging alalay ko si Rita. Ang kapatid ni Michelle na si Menchie na kasalukuyang nasa Brisbane ay hindi agad-agad maka kauuwi sapagkat bago pa lamang naaaprubahan ang pagiging citizenship. Nakiusap sa akin na ako na ang gumawa ng lahat. Masyadong madamdamin ang pag-uusap namin ni Menchie. Noon pa raw ay idinadasal na niya na sana ay magkabalikan kami ng Ate Michelle niya. Kasi raw, nalalaman naman niyang may pagmamahal pa sa akin ang Ate niya. Sabi pa ni Menchie, kaya rin daw nag-decide nang umuwi ang Ate Michelle niya sa Pilipinas ay dahil din sa akin.
“Kuya Ross, ikaw na muna ang bahala kay Ate. Uuwi rin ako pero hindi pa muna ngayon. Sana naiin-tindihan mo ako.”
“Don’t worry, Menchie. Ako na ang bahala kay Michelle. Sabi naman ng doktor niya, walang gaanong pinsala sa ugat sa ulo niya. Maliit lang daw ang ugat at maaaring maghilom. Hindi na kailangan ang operas yon.”
“Gaano raw katagal ang theraphy para makapagsalita si Ate at maikilos ang kalahating katawan?”
“Mga six months daw. Kailangan daw kasing tulungan ng pasyente ang sarili para madaling makarekober. E nakikita ko naman, na gustong gumaling agad ni Michelle. Sabi ko sa kanya, kapag magaling na magaling na siya, paglabas dito sa ospital e deretso na kami sa simbahan para magpakasal.”
Kinilig si Menchie.
“Iyan ang matagal ko nang hinihiling Kuya. Alam ko naman na mahal mo talaga si Ate.”
“Sobrang mahal Menchie.”
“Sana kapag ikakasal na kayo ni Ate ay maka- uwi na ako.”
“Siguro after one year puwede na kaming paka-sal.”
“Sana nga Kuya. Salamat uli ha. Kung mayroon kang kailangan, halimbawa sa pera e tawagan mo lang ako. Pakialaman mo na ang savings ni Ate. Alam ko, marami pera yan sa banko.”
“Hindi na kailangan, Menchie. Meron din naman akong naitabi. Ako na ang bahala. Wag kang mag-alala. Katulong ko naman si Rita.”
“Sige Kuya, maraming-maraming salamat uli.”
Ikinuwento ko naman kay Michelle ang mga pinag-usapan namin ng kapatid niyang si Menchie. Sabi ko magpagaling agad siya at paglabas niya ng ospital ay deretso na agad kami sa simbahan para pakasal. Umirap sa akin si Michelle. Tila may gustong sabihin pero dahil hindi nga makapagsalita ay sa ekspresyon na lang ng mukha ipinababatid sa akin. Gusto kong malaman ang ibig niyang sabihin kaya nagsulat ako sa bond paper ng mga malala- king letters — letter A to Z. Ipinakita ko kay Michelle ang mga letter at sinabi kong ituro niya ang mga letra ng gusto niyang sabihin.
“Mahal mo pa ba ako?” tanong ko.
Itinuro niya ang mga letter na H I N D I. Pagkatapos ay umirap sa akin. Alam ko, binibiro lang niya ako.
(Itutuloy)