^

True Confessions

Karugtong ng Init(87)

- Ronnie M. Halos -

HINDI ko alam kung mata­gal nang nakamulat si Michelle. Nakaidlip ako habang nakaupo sa silya na nasa tabi ng kama niya. Maikli lamang ang pagka­kaidlip ko pero pakiram­dam ko ay napakahaba na niyon. At hindi ko nga alam kung gaano na katagal gising si Michelle at naka­tingin sa akin.

“Michelle!”

Nanatili siyang nakati­ngin sa akin. Para bang may inaalala. Nakalimutan na kaya ako ni Michelle da­hil sa nangyaring stroke? Hindi na yata ako matan­daan.

“Michelle, kumusta?”

Walang salita. Hindi maibuka ang bibig at na­katingin lang. Diyos ko, ano itong nangyari sa mahal ko.

Kahit magalit siya, gusto kong madama ang init ng kanyang palad. Ginagap ko ang kanyang palad na na­tatakpan ng kumot. Pinisil ko iyon. Nagpapa­abot ng pagmamahal at pagkalinga.

“Michelle, huwag mo akong iiwan!”

Iyon ang nasabi ko sa katindihan ng pagkasabik sa kanya. Hindi na ako nag­patumpik-tumpik pa sa pag­papahayag ng damdamin. Iyon ang nadarama ko at wala nang makakapigil sa akin.

Hanggang sa makita ko ang mga luhang umagos sa mga mata ni Michelle. Nag-unahan sa pag-agos sa pisngi. Tumuloy sa gilid at bumagsak sa kumot. Pi­nahid ko ng daliri ang luha.

“Gagaling ka, Michelle. Magkakaroon ka ng boses. Sabi ng doctor, lagi ka raw magbabasa para manauli ang iyong boses.”

Nakita ko sa mga mata ni Michelle ang pagsang-ayon.

“Hindi kita iiwan Mi­chelle, pangako. Kahit ano pang mangyari, narito ako sa tabi mo,” sabi ko pa at pinisil ang kanyang palad. Ayaw gu­manti ng pisil. Siguro nga’y walang lakas ang kanyang kamay. Mahina. Gusto man niyang ipaabot ang kan­yang nadarama, hindi niya magawa.

“Mahal na mahal kita Mi­chelle. Mahal na mahal.”

At sa unang pagkakata­on ay nakita ko ang pagsang-ayon ni Michelle sa sinabi ko. Ngumiti siya. Isang ma­tibay na pagpapahayag ng damdamin sa akin. Pag­papahayag din na pinata­ta­wad na ako sa lahat ng mga nagawa kong kasa-la­nan.

Iyon ang pinakamaliga­yang sandali sa aking buhay.

Hinalikan ko siya nang marahan sa pisngi. Pu­numpuno ng pagmama-hal ang halik kong iyon. Walang kapantay.

(Itutuloy)

AKO

AYAW

DIYOS

GAGALING

IYON

KAHIT

MICHELLE

SHY

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with