“TINATANONG ba ako o napag-uusapan lang, Rita?” Tanong kong tila nagma madali. Atat na ako sa mga sasabihin ni Rita.
“Parang ganun na rin po, Kuya. Lagi kang napag-uu sapan at sa dakong huli ay tinatanong kung ano na raw ang nangyari sa iyo.”
“E di ba nagkita na kami noong isang araw, me nasabi ba siya.”
“Ay sabihin ko ba ang ginawa ni Ate?”
“Sabihin mo na, tinulungan mo na rin lang ako e di lubusin mo na. Anong ginawa o sinabi ni Ate Michelle mo?”
“Umiyak siya Kuya nang makapasok sa bahay. Di ba nang mag-usap kayo sa may gate e nakiusap na huwag ka nang tatawag o kaya makikipagkita sa kanya, nagkukunwari lang po sa palagay ko si Ate. Ang totoo e nasaktan din siya sa mga sinabi sa’yo. Umiiyak kasi siya. Matagal siyang nakaupo sa sopa at doon tahimik na umiiyak.”
Natulala ako. Umiiyak nga kaya dahil nasaktan sa pagpapaalis sa akin o umiyak dahil sa galit.
“Bakit mo nasabing kaya umiyak e dahil nasaktan sa pagpapaalis sa akin?”
“Kasi Kuya kung siya ay galit sa’yo hindi na para siya umiyak ng ganun. Iba po ang iyak na para bang nagsisi dahil nasaktan ang dating kasintahan…”
Matalino ang babaing ito. Bihira sa mga katulong ang ganitong may kalalim na pag-aanalisa sa damdamin ng tao.
“Sa palagay mo kaya, gusto pa rin niya ako kahit na nasaktan ko siya noon.”
“Hmmm, opo Kuya, mahal ka pa niya.”
“Kung halimbawa at ligawan ko uli e tanggapin pa kaya ako?”
“Oo Kuya pero kung ako ikaw, huwag mo munang bibiglain.”
“Paanong huwag bibiglain.”
“Magsimula ka sa ginawa mong panliligaw noon sa kanya.”
“Ah, oo nakuha ko na ang ibig mong sabihin. Kung ano ang ginawa kong panunuyo noon sa kanya, e ganun ang gawin ko ngayon.”
“Opo, Kuya. Kasi minsan, naikuwento niya na lagi mo raw siyang binibigyan ng pu lang rosas. Ikinuwento rin niya kung paano mo siya tinulungan nang mabali ang takong ng kanyang sapatos. Iyon daw ang simula kaya kayo naging magsiyota.”
“Oo. Ganun nga, Rita.”
“Ligawan mo uli, Kuya. Magtiyaga ka uli sa panunuyo.”
“Iyan ang gagawin ko Rita. Pero tulungan mo ako ha?”
“Basta kaya ko Kuya. Sana ay hindi naman tayo mabuko ni Ate.”
“Kung ibigay mo kaya sa kanya itong binili kong roses. Kanina ko lang binili ‘yan.”
“Sige Kuya. Basta sabihin ko, me nag-abot na lalaki.”
“Salamat Rita.”
“Sige Kuya, balitaan kita sa mangyayari.”
“Text mo kaya sa akin. Itong cell number ko.”
Kinuha ni Rita ang number ko.
(Itutuloy)