Karugtong ng Init (66)

NAKABALIK muli ako sa     Ri­yadh pagkaraan ng kasal ng kapatid kong si Abby at Luis. Usapan namin, dala­wang taon na lang ang ilalagi ko sa Riyadh. Tama na iyon.

Kumayod uli ako nang ku­ mayod. Nadagdagan pa ang aking ipon nang magka­roon ako ng mga sideline. Tala­gang hindi ko pinalalam­pas ang mga sideline na inia­alok sa akin ng mga kaibigan kong Pinoy din. Nirereko­men­da nila ako sa mga kaibi­ gan nilang Saudi na may mga ne­gosyo. Isa sa mga pinasu­kan kong sideline ay sa isang malaking patahian sa may Batha. Nangailangan ang may-ari ng isang mahusay gumawa ng letter para sa mga oordering supply ng tahi­an sa ibang bansa. Dahil med­yo mahusay naman ako sa English kaya nagustuhan ang trabaho ko. Karaniwang ino­order ay mga imported na tela at sapatos mula sa US at iba pang bansa sa Europe. Kaila­ngang maliwanag na English ang mai-e-mail sa mga supplier para madaling magkain­tin­dihan. Araw-araw, paglabas ng opisina ay sa Batha ang aking tungo. Doon na ako ka­ka­in sa malaking tailoring shop na pinagsisilbihan ko. Libre ang hapunan at one to sawa ang tsay.

Ganoon nang ganoon ang gawain ko araw-araw. Napuna na ako ng mga kasamahan ko dahil hindi na nila ako nakaka­ sabay sa service van namin.

“Baka hindi mo na maka­yang dalhin pauwi ang dollars mo, Ross. Ambunan mo na­man kami.,” sabi ng kasama­han kong me edad na.

Wala akong maisagot   kun­di ngiti.

“Mas maganda kung meron kang asawa at anak na pagla­ laanan,” sabi pa.

“Pagdating ko po sa Pilipi­nas baka meron na.”

“E kailan ka ba magpi-finish?”

“Dalawang taon na lang po ako rito.”

“Ah, kaya pala hataw ka nang hataw. Sige, habang may pera rito hakutin mo nang hakutin. Siyanga pala sa isang linggo, baka naman puwede mo akong ireserba kahit 1,000 riyals. Ipadadala ko lang kay misis at ga-graduate ang bun­ so ko. Puwede ba Ross?”

“Wala pong problema.”

“Kahit tubuan mo ako, Ross.”

“Hindi na po. Hindi naman talaga ako nagpapautang.”

“Salamat Ross. Pag-alis mo rito maraming malulung­ kot.”

Napangiti na lang ako.

Nadagdagan pa ang ipon ko dahil may mga sideline pa akong pinasukan. Totoo yata na kapag nagbigay ka sa na­ngangailangan, ay babalik din iyon at triple pa.

Minsan e tinanong ko si Abby kung anong magan­-dang pagkakitaan pag-uwi    ko sa Pinas.

“Bumili ka na lang ng ba-hay sa subdibisyon, Kuya. May mga bahay na narere­ mata ang PagIBIG na mas mura at ilang taon mo pang babaya­ran. Puwede mong gawing paupahan ang mga ‘yun. Wala kang kapagud-pagod. Dara­ ting lang nang darating sa iyo ang pera…”

Tama si Abby. Iyon ang gagawin ko.

(Itutuloy)


Show comments