Karugtong ng Init (66)
NAKABALIK muli ako sa Riyadh pagkaraan ng kasal ng kapatid kong si Abby at Luis. Usapan namin, dalawang taon na lang ang ilalagi ko sa Riyadh. Tama na iyon.
Kumayod uli ako nang ku mayod. Nadagdagan pa ang aking ipon nang magkaroon ako ng mga sideline. Talagang hindi ko pinalalampas ang mga sideline na iniaalok sa akin ng mga kaibigan kong Pinoy din. Nirerekomenda nila ako sa mga kaibi gan nilang Saudi na may mga negosyo. Isa sa mga pinasukan kong sideline ay sa isang malaking patahian sa may Batha. Nangailangan ang may-ari ng isang mahusay gumawa ng letter para sa mga oordering supply ng tahian sa ibang bansa. Dahil medyo mahusay naman ako sa English kaya nagustuhan ang trabaho ko. Karaniwang inoorder ay mga imported na tela at sapatos mula sa US at iba pang bansa sa Europe. Kailangang maliwanag na English ang mai-e-mail sa mga supplier para madaling magkaintindihan. Araw-araw, paglabas ng opisina ay sa Batha ang aking tungo. Doon na ako kakain sa malaking tailoring shop na pinagsisilbihan ko. Libre ang hapunan at one to sawa ang tsay.
Ganoon nang ganoon ang gawain ko araw-araw. Napuna na ako ng mga kasamahan ko dahil hindi na nila ako nakaka sabay sa service van namin.
“Baka hindi mo na makayang dalhin pauwi ang dollars mo, Ross. Ambunan mo naman kami.,” sabi ng kasamahan kong me edad na.
Wala akong maisagot kundi ngiti.
“Mas maganda kung meron kang asawa at anak na pagla laanan,” sabi pa.
“Pagdating ko po sa Pilipinas baka meron na.”
“E kailan ka ba magpi-finish?”
“Dalawang taon na lang po ako rito.”
“Ah, kaya pala hataw ka nang hataw. Sige, habang may pera rito hakutin mo nang hakutin. Siyanga pala sa isang linggo, baka naman puwede mo akong ireserba kahit 1,000 riyals. Ipadadala ko lang kay misis at ga-graduate ang bun so ko. Puwede ba Ross?”
“Wala pong problema.”
“Kahit tubuan mo ako, Ross.”
“Hindi na po. Hindi naman talaga ako nagpapautang.”
“Salamat Ross. Pag-alis mo rito maraming malulung kot.”
Napangiti na lang ako.
Nadagdagan pa ang ipon ko dahil may mga sideline pa akong pinasukan. Totoo yata na kapag nagbigay ka sa nangangailangan, ay babalik din iyon at triple pa.
Minsan e tinanong ko si Abby kung anong magan-dang pagkakitaan pag-uwi ko sa Pinas.
“Bumili ka na lang ng ba-hay sa subdibisyon, Kuya. May mga bahay na narere mata ang PagIBIG na mas mura at ilang taon mo pang babayaran. Puwede mong gawing paupahan ang mga ‘yun. Wala kang kapagud-pagod. Dara ting lang nang darating sa iyo ang pera…”
Tama si Abby. Iyon ang gagawin ko.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending