^

True Confessions

Karugtong ng init (49)

- Ronnie M. Halos -

AKALA ko, magkakaroon ng pagbabago kay Rica, makaraang paalisin niya ang katulong namin na si Manang. Wala rin pala. At may duda ako na kaya niya pinaalis si Manang ay para walang makakita sa kanyang ginagawang kabalbalan.

Ayaw ko namang mag­salita o sisihin si Rica dahil nagsasawa na ako sa away. Ayoko na.

Ilang araw ang maka­lipas, nagtaka ako nang maratnan ang isang da­lagita na nag-aalaga sa aming anak.

“Sino siya?” tanong ko kay Rica.

“Pamangkin ko sa pinsan. Dito muna. Siya ang mag-aalaga kay Baby.”

“O kukuha ka rin pala e ba’t pinaalis mo pa si Manang?”

“Si Manang may bayad, itong pamangkin ko wala, ano ka ba, Ross?” Nandi­dilat ang mga mata niya. Hindi na ako nagsalita pero labis ang aking pagtataka sa mga plano ni Rica.

Pero nang may pahabol na salita si Rica tungkol kay Manang, e lalo pa akong nagduda.

“Ayaw ko kasi sa paki­alamera!”

“Pakialamera si Ma­ nang?”

“Oo!”

“Paanong pakiala­mera?”

“Basta. Hindi ko gusto ang mga kinikilos niya.”

Napamaang ako. Sabi ko na nga ba at may ma­lalim na dahilan. At ngayon ko rin lang naisip na noong aalis na si Manang ay may gusto pa sana siyang sabihin pero hindi na nasabi dahil nga lumabas sa silid si Rica. Siguro ay tungkol doon ang sasabi­hin. Baka nagkaroon ng komprontasyon ang da­lawa. At sa galit ni Rica, pinalayas na nga si Ma­nang. Napabuntunghininga na lang ako.

Kung ganito ang gusto ni Rica, bahala siya. Hindi na ako kumontra pa. Ayaw ko ng away.

Hanggang sa dumating ang araw na iyon na hindi ko malilimutan sa buong buhay ko. Ang pangya­yaring iyon ang sumagot sa lahat ng mga katanungan at mga pagdududang may kaugnayan sa biglaang pag-alis ni Manang.

Umuwi ako nang tang­hali. Half day. Masama ang pakiramdam ko. Hindi ko na kakayanin ang bigat ng pakiramdam. Kailangan kong magpahinga.

Nagtaka ako kung bakit hindi nakakandado ang pinto. Nalimutan lang sigurong i-lock. Baka ang pamangkin ni Rica ang nakalimot. Kung minsan, bumibili siya sa tindahan.

Pumasok ako sa loob. Maliwanag sa salas. Tuluy-tuloy ako sa aming kuwarto. Pero bago ako nakarating doon, naka­rinig ako ng ingay at ungol. Sa aming kuwarto iyon nangga­galing. Hindi ako ma­aaring magka­mali.

(Itutuloy)

AKO

AYAW

MANANG

PERO

RICA

SHY

SI MANANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with