Karugtong ng init (42)

“ANO?”

Napataas ang boses ko. Bumaling ako kay Rica.

“Anong sinabi mo?”

“Wala!”

“Sabi mo sa iba ka na lang magpadyugyog…”

“Narinig mo pala e ba’t tinatanong mo pa?”

Sarap sampalin ng babaing ito.

“Ano bang problema mo Rica?”

“Ikaw.”

Gusto nang sumabog ang galit ko. Gusto ko nang dunggulin ang babaing ito.

“Baki t ka ganyan Rica?”

“Anong bakit ka gan­yan?”

“Bakit masasama ang lumalabas sa bibig mo?”

“Masama? Anong ma­sama sa iba magpadyug­yog?”

Suko na ako. Kapag hin­ di ako nakapag-pigil ay baka mapatay ko ang ba­baing ito.

Bumangon ako. Nagtu­ngo sa comfort room at     um­ihi. Habang umiihi, na-iisip ko naman sinabi ni Pareng Jim, kung sigurado raw ba ako na anak ko      ang anak namin ni Rica. Lalong umi­nit ang ulo ko. Baka nga hindi ko anak dahil mismong si Rica ay walangkakiyeme-ki­ye­- meng magsabi na mag­pa­pad­yug­yog sa iba. Pu­tang ina, baka nga nagpa­pa-   kain ako ng anak na iba.

Lumabas ako sa CR at tinungo ang ref at kumuha ng tubig. Uhaw na uhaw   ako dahil sa dami ng beer kong nainom. Pero wala naman akong nara­ram­-   da­mang hang-over.

Nang magbalik ako    sa aming kuwarto ay nag­taka ako nang hindi ma­kita si Rica.

Saan nagpunta ang babaing iyon?

(Itutuloy)

Show comments