Karugtong ng init (42)
“ANO?”
Napataas ang boses ko. Bumaling ako kay Rica.
“Anong sinabi mo?”
“Wala!”
“Sabi mo sa iba ka na lang magpadyugyog…”
“Narinig mo pala e ba’t tinatanong mo pa?”
Sarap sampalin ng babaing ito.
“Ano bang problema mo Rica?”
“Ikaw.”
Gusto nang sumabog ang galit ko. Gusto ko nang dunggulin ang babaing ito.
“Baki t ka ganyan Rica?”
“Anong bakit ka ganyan?”
“Bakit masasama ang lumalabas sa bibig mo?”
“Masama? Anong masama sa iba magpadyugyog?”
Suko na ako. Kapag hin di ako nakapag-pigil ay baka mapatay ko ang babaing ito.
Bumangon ako. Nagtungo sa comfort room at umihi. Habang umiihi, na-iisip ko naman sinabi ni Pareng Jim, kung sigurado raw ba ako na anak ko ang anak namin ni Rica. Lalong uminit ang ulo ko. Baka nga hindi ko anak dahil mismong si Rica ay walangkakiyeme-kiye- meng magsabi na magpapadyugyog sa iba. Putang ina, baka nga nagpapa- kain ako ng anak na iba.
Lumabas ako sa CR at tinungo ang ref at kumuha ng tubig. Uhaw na uhaw ako dahil sa dami ng beer kong nainom. Pero wala naman akong nararam- damang hang-over.
Nang magbalik ako sa aming kuwarto ay nagtaka ako nang hindi makita si Rica.
Saan nagpunta ang babaing iyon?
(Itutuloy)
- Latest
- Trending