^

True Confessions

Karugtong ng Init (37)

- Ronnie M. Halos -

“MABUTI ngang mag-asawa na rin si Michelle sa Australia para naman hindi na masyadong ma­saktan,” sabi pa ni Abby.

“Kung halimbawa at tatawag, ihingi mo ako   ng tawad Abby. Pero huwag ka nang magku­kuwento ng iba pa. Hu­wag mo nang ikukuwento ang ugali ng babaing ipi­nalit ko. Basta, ihingi mo ako ng sorry…”

“Sige Kuya. Pero pala­gay ko, hindi na tatawag ‘yun. Ang alam ko, kapag nasaktan na kaming mga babae, mahirap nang ma­ka­limutan ang nangyari.”

Napabuntunghininga uli ako. Mas malalim.

“At saka mag-sorry ka man sa kanya, ang sugat ay nangyari na. Kaya mas mabuti pa kung hiwalay e talagang hiwalay na. Wala nang kontak pa para hindi na masaling pa ang sugat.”

Napatangu-tango ako. Ganoon na nga siguro ang maganda. Tama si Abby. Wala na dapat kontak pa.

Tanggap ko na ang ugali ni Rica. Kaya ko namang magpasensiya. Kaya ko namang lunukin ang mga ugali niyang kakaiba. Sabi ko sa sarili ko, baka kapag naisilang na ang aming anak ay magbago na at mawala na ang mga nakakasukang ugali. Kapag ina na siguro ay mababawasan na ang hindi magandang ugali.

Pero hindi. Kung ano siya noong makilala ko, walang ipinagbago at mas tumindi pa.

Makaraang makapa­nganak, nagdesisyong mag-resign na. Ayaw na raw ni­yang magtrabaho.

“Bakit naman naisipan mong tumigil sa pagtatra­baho, Rica?” “E sa gusto ko, e!”

Sarap sampalin pero nagpigil ako.

“Sayang naman ang su­weldo mo. Malaki na. Pu­wede na tayong humu­log ng kotse next year.”

“Ayoko na. Pagod na ako!” sabing nakaismid.

“E di mapapagod ka rin dahil me baby na tayo.”

“Ikuha mo ako ng maid. Ayaw kong may ginagawa rito sa bahay.”

Napailing-iling ako. Ano kayang kabaltikan ang naisip.

Sa dakong huli, siya rin ang nakapangyari. Nag-resign na sa tra­baho. Naghanap ako ng katulong. Isang me edad ng babae ang nakuha ko. Hindi na mahihirapan si Rica. Pinagbigyan ko ang kapritso para wa-lang gulo.

(Itutuloy)

AKO

AYAW

KAYA

PERO

RICA

SHY

SIGE KUYA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with