^

True Confessions

Karugtong ng Init(33)

- Ronnie M. Halos -

KINABUKASAN, nakakita kami ng apartment. Ma­lapit lamang iyon sa Gov. For­bes. Medyo mahal ang upa pero maayos at malinis. Walang daga. Hindi rin daw binaba­ ha. Itinodo ko ang naka-save na pera sa ATM para sa de­posito at dala­wang buwang advance. Bahala na. Malapit na na­man ang suweldo. Ma­buti na lang at may gamit si Rica —TV, ref, stove, electric fan, plantsa na kasama naming nailipat kung wala ay baka sa labas lagi kakain.

Sa umaga ay sabay ka­ming pumapasok sa office   at ganoon din sa hapon. Ang pag­kakabuntis ko kay Rica ay hindi nailihim sa aming opisi­na. Parang apoy na ku­malat.

Si Jim na kasamahan ko ay gulat na gulat sa nang­yari. May himig na paninisi.

“Sabi ko naman sa’yo Pre, huwag mong seseryo­sohin. Nalimutan mo na ba ang sina­bi ko sa iyo noon, na si Rica ay pampalipas oras lang.”

“Nandiyan na ‘yan Pre. Wala na akong magawa.”

“Sana nag-isip ka muna bago kayo nagsama.”

“Wala na akong magawa Pre.”

“Paano yung isa mo? Yung nasa Australia?”

Nalungkot ako sa tanong na iyon. Mabigat ang loob ko.

“Wala na kami, Pre. Siguro hindi kami para sa isa’t isa.”

“E di magpapakasal kayo ni Rica, pre?” “Ayaw   niya ng may tali. Okey lang sa kanya na mag-live-in kami.”

“Ibang klaseng babae ano? Sabagay kung yun ang gusto niya e di pag­bigyan.”

Umalis na si Jim.

May isang buwan din bago ako nakadalaw sa kapatid kong si Abby. Hindi kasi ako basta makaalis ng bahay sapagkat nakabantay si Rica. At palagay ko, kung magpa­ pa­alam ako para dalawin si Abby ay hindi siya papayag.

Nang makita ako ni Abby ay nagulat ito sa itsura ko. Mukha raw akong tumanda   at pumayat.

“Anong nangyarI sa iyo, Kuya? Isang buwan pa lang kayong nagsa­sama e para ka nang me TB.”

Napabuntunghininga na lamamg ako.

“Nagkausap na ba kayo ni Michelle, Abby?”

Tumango si Abby. Ma­lung­kot.

“Anong sabi?”

“Walang sinabi Kuya, iyak lang nang iyak.”

Nangilid ang luha ko.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANONG

KUYA

RICA

SHY

SI JIM

WALA

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with