Karugtong ng Init (30)

APEKTADO na ang ka­patid ko nang ginawa namin ni Rica. Luma­lawak na ang problema. Nagdudulot na ng lalo pang ligalig sa isipan ko. Masakit na. Hindi ko na talaga mapipigilan si Abby na umalis. Kahit ano pa ang gawin ko, hin­di talaga niya gustong makasama si Rica.

Isang matatag na pas­ya ang ginawa ko.

“Kami na lang ang aalis, Abby. Dito ka dahil bahay natin ito. Ikaw ang dapat dito. Dadalawin na lang kita.”

Hindi nakapagsalita si Abby. Hindi siguro inaasa­han na ganoon ang magi­ging pasya ko.

“Wala na akong maga­wa. Nandiyan na ‘yan.”

“Kaya nga wala ka nang maririnig na paninisi sa akin, Kuya. Manisi man ako, wala na ring silbi. Bumukol na ang ginawa n’yo.”

“Ikaw na ang bahalang magpaliwanag kay Mi­chelle. Wala akong mukha na ihaharap sa kanya dahil dito. Ikaw na lang ang magsabi. Sabihin mo, ka­salanan ko. Sabihin mo, maghanap na lang din siya ng iba. Ikaw na lang ku­mausap…”

Naguguluhan si Abby. Apektado ng ginawa ko.

“Sige pumasok ka na. Pagdating mo mamaya wala na kami. Dadalawin na lamang kita. Tawagan kita sa cell mo. Basta ikaw na lang ang kumausap kay Michelle…”

“Oo Kuya.”

Umalis na si Abby.

Nagising na si Rica. Sinabi ko ang aking plano. Tutol pa si Rica.

“Mas maganda sana dito tayo. Maghahanap pa tayo ng uupahan nga­yon.”

Pero hindi na umubra ang gusto niya.

“Si Abby ang titira rito, tapos!”

Napatingin sa akin si Rica. Gulat.

(Itutuloy)

Show comments