^

True Confessions

Karugtong ng init (22)

- Ronnie M. Halos -

NATAPOS kami sa banyo ni Rica baby. Na­ kangiti siya nang lu­mabas kami. Hala­tang nasiyahan sa ginawa ko. At ako na­man ay proud na proud. Ang ina­akala niyang suplado at tahimik ay mabangis pala.

“Nagutom ako, Ross. Order na tayo nang makakain. Di ba sabi ni Cherry, tuma­wag lang tayo?”

“Oo. Sige tuma­wag ka na at nagu­gutom na rin ako. Mas­­yadong ma­bigat kasi yung ginawa natin.”

Kinurot ako ni Ri­ca.

“Gusto mo inihaw na isda at saka pusit?”

“Oo. Kahit ano.”

Nag-order si Rica. Dumako ako sa bin­tana at tinanaw ang asul na dagat. Matindi ang init ng araw. Saka naalala ko si Michelle. Ano kaya ang ginaga­wa niya nga­yon? Si­guro nasa traba­ho pa niya sa hotel.

“Huli ka!”

Napapitlag ako sa biglang paglapit at pag­hampas sa likod ko ni Rica.

“Anong iniisip mo ha?”

“Wala.”

“Yung girlfriend mo ano?”

“Hindi.”

“E sino?”

“Wala. Basta.”

Niyakap ako ni Rica.

“Kaya mong hang­gang Miyerkules dito, Ross?”

“Ano? Paanong traba­ho natin?”

“E di sabihin natin me sakit tayo? Sayang na­man ang offer ni Cher­ry dito sa resort. Hanggang Miyerkules tayo ha, Ross?”

Hindi ako sumagot.

“Akong bahala sa boss natin. Malakas ako roon e.”

Narinig namin ang ka­ tok sa pinto.

“Pagkain natin ‘yan,” sabi ni Rica at mabilis na tinungo ang pinto. Ako ay nanatiling naka­tanaw sa dagat. Ano na kaya ang itsura ni Mi­chelle ngayon? Baka pumayat na dahil sa dami ng trabaho? Noon sabi niya para malaki ang kitain ay mag-oober­taym siya. Para raw ma­daling makapag-ipon nang ipang­papaopera.

“Ano ba, Ross? Hali­ka na. Sino bang iniisip mo?” nakadamba na na­ man sa akin si Rica.

“Wala.”

“Halika na at gutom na ako.”

Kumain kami. Pa­wang seafoods ang na­kahain. Hipon, bangus, pusit, gina­yat na mang­ga na may bagoong, ma­bangong ka­nin, hi­magas na buko.

“Tingnan mong pag­kain natin, libre lahat kaya hanggang Miyer­kul­es na tayo para sulit ha, Ross,”

“Hindi puwede Rica. Walang kasama ang sister ko.”

“Ay ano ba ’yan? Para namang bata yun.”

“Kawawa naman ang sister ko.”

“Sige na nga.”

“Bukas ng hapon alis na tayo.”

“Hay naku. Hindi pa na­kakapagsimula e paalis na. Well, sige. Ikaw na ang masusu­nod.”

“Puwede naman ta­yong bumalik dito di ba?”

“Okey. Wala na akong sinabi.”

Ayos na. Hinarap na­min ang pagkain. Ma­sa­ rap. Paborito ko at pabo­rito ni Rica.

Kinahapunan, naligo kami sa dagat. Nakaba­bad kami hanggang sa gumabi. Pagkatapos sa dagat ay nagyayang mag­ karaoke si Rica. Ma­ganda ang boses. Talo ako sa kan­tahan.

Nang mapagod nag­yaya na sa aming cot-tage. Kung magaling    siya mag­karaoke ma­husay naman akong sumisid ng per­las. Wa­lang tanggi dahil gus-    to rin.

Kinabukasan ng uma­ga, ligo uli. At ki­nahapu­nan, umalis na kami ng resort.

Parang hindi ako ma­pa­kali habang nasa bus. Si Rica ay natu­tulog. Bakit kaya? Baka me nang­yari sa kapatid kong si Abby? O baka naman si Michelle?

Hindi na nagpaha­-tid si Rica sa tinu­tu­luyang apartment kaya deretso ako sa aming bahay.

Nakasimangot si Abby sa akin nang bu­mu­ngad ako sa pin­to.

“Tumawag si Mi­chelle. Hinahanap ka,” sabi nito.

Kinabahan ako.

“Anong sinabi mo?”

“E di pinagtakpan kita. Nakokonsensiya tuloy ako, Kuya. Lu­ma­yo ka na nga sa baba­ing kasama mo.”

(Itutuloy)

AKO

ANO

ANONG

HANGGANG MIYERKULES

RICA

SHY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with