^

True Confessions

Ang kasalanan namin ni Luningning (73)

- Ronnie M. Halos -

“ANG bilis naman ng mga pangyayari,” sabi ko na hindi pa   rin makapaniwala sa biglaang pagkamatay at ngayon ay abo na rin pala.

“Hindi ko nga ma­tanggap ang nangyari kay Luningning, Rico. Ni hindi ko man lang nakita kung totoo nga bang binaril siya o sinabi lang iyon. At malay ko rin kung patay na ang Francis na iyon.”

“Sino ba ang nag­balita sa’yo?”

“Ang bunsong ka­patid ni Francis — ba­bae. Pareho raw na­tagpuan na patay na ang dalawa. Mismong sa bahay nina Luning­ning daw naganap ang krimen. At ang sabi nga nagselos daw si Francis kay Luning­ning…”

“Baka nga naman totoo.”

“Hindi ako nanini­wa-la. Hula ko pinatay ta­ laga si Luningning. Si­- guro pina-insured muna.”

“Pinoy ang napa­ngasawa ni Luningning, Gina. Kahit paano, me takot sa Diyos.”

“Nawawala na ang takot sa Diyos kapag pera na ang dahilan. At saka alam ko rin, hindi kasundo ni Luningning ang biyenan niya. Si­nabi niya sa akin iyon noon pero hindi raw siya titigil sa paggawa ng paraan para maka­sundo ang biyenan…” Napa­bun­tunghininga ako. Nari­nig ko naman ang pag­hikbi ni Gina. Masa­mang–masama ang loob.

“Nandiyan na ‘yan, Gina, kahit na umiyak ka nang umiyak wala nang magagawa dahil abo na pala si Luning­ning.”

“Yun nga ang masa­kit, kahit nga ang abo niya e hindi ko na ma­kikita.”

“Wala kang maga­ga­wa, Gina. Kaya si­gu­ro mas magandang ipag­dasal na lamang natin si Luningning.”

Hindi nakapagsalita si Gina. Tila natauhan sa sinabi ko. Nang mag­salita ay may hinahon na at ang tungkol sa anak ni Luningning na si Joepe nadako ang usapan.

“Naaawa ako kay Joepe. Wala na ang mommy niya. Hindi na pala sila magkikita.”

“Siguro talagang hanggang doon na la­mang ang buhay ni Luningning. At siguro rin, kaya sa iyong poder napunta si Joepe ay dahil ituturing mo si­yang tunay na anak…”

“Siguro nga Rico. Lalo tuloy napamahal sa akin si Joepe nga­yon. At nagtataka ako kapag napag­mamasdan ko ang bata, talagang malaki ang pagkakahawig sa’yo.”

Namutla ako at hindi agad nakasagot kay Gina, gayunman nakapagbiro pa rin ako.

“E siyempre, ako ang nagpapakain sa bata e di magiging kamukha ko. Alangan namang maging ka­mukha ‘yan ng kung sinu-sino lang.”

“Siguro, hawig mo ang ama ni Joepe ano?”

“Siguro mas gu­wapo pa ako.”

(Itutuloy)

AKO

GINA

JOEPE

LUNINGNING

SHY

SIGURO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with