Ang kasalanan namin ni Luningning(54)

NANG araw na aalis si Lu­ningning ay mahigpit na niyakap ang aming anak na para bang iyon na ang hu-ling pagkikita. Palib­hasa’y wala pang kamu­wang-mu­wang si Joepe ay nakatingin la­mang sa umiiyak na ina. Pi­nahid pa ng daliri ang nag­landas na luha sa pisngi ng ina.

“I love you anak. Pipi­litin kong makabalik para sa   iyo,” sabi ni Luningning.

“Ano ba namang pa­ala­man yan at para kang bibi­tayin doon na mahirap nang makabalik.”

Nagtawa si Luning­ning.

“Malay mo may mang-yari sa akin doon.”

“Sira! Dapat positibo ang isip mo. Alalahanin mo may anak ka.”

“Kaya nga sinabi kong babalik ako. Ano ka ba Gina.”

“O magtatalo na naman tayo e paalis ka na.”

“Kasi nakaka-stress ka. Hindi ko na nga alam ang ga­gawin kong pagpapa-alam kay Joepe e.”

“Siya, siya sige na. Wala ka nang maririnig sa akin.”

“Basta kayo na muna ang bahala kay Joepe. Siguro na­man madali akong makaka­hanap ng trabaho roon at mapapadalhan ko kayo.”

“Huwag mo munang isipin iyon, Luningning. Marami ka pa namang naiwang pera di ba. Yung kinita mo sa Saudi   e intact pa.”

“Basta magpapadala ako. Ayaw kong maging pabigat   sa inyo si Joepe.”

“Sana naman ay maka­uwi kayo rito ng magiging asawa mo.”

“Pipilitin ko. Bahala na.”

Nang nasa airport na ka-mi at nakatakdang nang puma­sok sa loob ng airport     si Luningning ay niyakap uli nang mahigpit si Joepe. Muli may luhang umagos. Pagka­ta­pos ay bumitiw na sa pag-ka­kayakap sa anak at hindi   na lumingon pa sa amin. Tu­luy-tuloy na pumasok na parang wala nang balikan.

Nang tingnan ko si Gina ay ito naman ang umiiyak. Hawak niya sa kanang kamay si Joepe na nakatingin sa mga taong naglisaw sa airport.

“Tayo na Gina at itinataboy na ng mga pulis ang mga naghahatid.”

Nagtungo kami sa naka­paradang sasakyan at umalis na kami. Pakiramdam ko, iyon na ang huli naming pagkikita ni Luningning.

Ewan ko ba kung bakit ganoon ang naramdaman ko.

Sa akin lamang pala ipi­nagtapat ni Luningning ang tungkol sa pagsisinu­nga- ling sa kanyang mapa­pa­ngasawa. Hindi niya ito bi­nanggit kay Gina. Hindi naman ako mapakali kaya sinabi ko ang totoo sa aking asawa.

“Akala ng mapapanga­sawa ni Luningning ay da­laga pa ito, Gina.”

“Paano kung mabisto na may anak na, Rico?”

“Baka hiwalayan siya     ng Francis na iyon.”

(Itutuloy)

Show comments