^

True Confessions

Ang kasalanan namin ni Luningning (52)

- Ronnie M. Halos -

“KUNG nag-aalala   ka sa magiging kala­gayan ni Joepe sa amin, aba ay huwag mong iisipin iyon. Siguro nag-iisip ka ano, Luningning?”

“Hindi, Gina. Alam ko hindi ninyo paba­bayaan ang anak ko.”

“O e bakit parang nababalisa ka yata nang banggitin ko ang tungkol kay Joepe. Hindi ka agad naka­sagot.”

“Wala yon. Sige na, Gina. Tatawagan pa ako ni Francis e. Sige kayo na ang ba­ hala kay Joepe.”

“Tatawag ka uli?”

“Oo.”

Pero matagal bago muling tumawag si Luningning kay Gina. Tila ba nalimutan na yatang may anak siya. Sabagay kahit na hindi siya tuma­wag, e narito naman kami ni Gina — lalo na ako na nagma­mahal kay Joepe. Pa­tago nga lang.

Nang tumawag si Luningning ay ibinalita na malapit na siyang umuwi dahil naayos    na raw ni Francis ang mga papeles para sa pagtungo niya sa Bris­bane. Ang mga kaila­ngan daw sa kanilang pagpapakasal ay naia­yos na.

“Talagang tuluy na tuloy na, Luningning?”

“Oo. Wala nang atra­san. Sabik na nga akong makarating sa Australia.”

“Yan ba ang dahilan kaya matagal kang hin­di tumawag. Ni hindi   mo na yata naaalala si Joepe.”

“Susmarya naman Gina, masyado akong busy sa paghahanda sa kasal namin ni Fran­cis. Marami akong ina­ayos at ipinadadala sa kanya. At saka marami pa rin akong ginagawa sa work ko.”

“Para kasing wala kang anak.”

“Ay naku magtatalo ba tayo dahil diyan? Siya sige na at aba­ngan niyo na lang ang pag­dating ko diyan sa Pinas. Siguro mga dala­wang linggo lang ako diyan at lilipad na ako patungong Australia. Siyanga pala Gina, ipagtanong mo nga kung magkano ang magagastos ko sa da­ mit pangkasal. Mahal ang damit sa Australia kaya diyan na lang ako bibili.”

Matamlay ang sagot ni Gina sa kapatid.

Makaraan ang isang linggo ay dumating si Luningning. Masaya nang salubungin namin sa NAIA. Kinarga ang anak na si Joepe. Ang laki na raw.

“Hindi mo napapan­sin, kamukha na ni Rico?” sabi ni Gina.

Napangiti si Luning­ ning.

“E kasi kayo ang nag-aalaga. Di ba kung sino raw ang nag-aalaga, e iyon ang nagiging ka­ mukha.”

“Oo nga. Tama nga ang kasabihang iyon.”

Sumulyap sa akin si Luningning. Hindi na ako umiiwas sa tingin niya. Siya ang may sabi na kaila­ngang maging normal ang kilos ko kapag magkaharap kami. Iyon ang gina­ga­wa ko para huwag mahalata ang nama­gitan sa amin.

Ilang araw bago ang pag-alis ni Lu­ ningning patungong Australia ay nagka­sarilinan kami. Seryo­song nag-usap tung­kol sa aming anak.

(Itutuloy)

GINA

JOEPE

LUNINGNING

OO

SHY

SIGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with