^

True Confessions

Ang kasalanan namin ni Luningning (46)

- Ronnie M. Halos -

“HUWAG ka munang pu­ ma­sok sa trabaho, Rico at susunduin natin sa airport si Luningning. Marami raw siyang dalang pasalu­bong.”

Hindi ako nakakibo   pero madali rin akong na­ kapag­pasya.

“Anong oras daw?”

“Alas-nuwebe raw ang    da­ting ng eroplano. Kaila­ngan mga alas-otso naro­on na tayo. Baka mauna­han pa tayo e maghintay yun.”

“Sige. Aarkila tayo ng sasakyan.”

“Oo. Yung van na ang arkilahin natin at wala raw problema sa pambayad. Sagot niya lahat.”

“Sige.”

“Sabik na sabik na raw siyang makita si Joepe. Kilala pa raw kaya siya? Sagot ko’y baka hindi dahil nang umalis siya e apat o limang buwan pa lamang ang bata.”

Hindi ako nagsasalita.

“Pagkagaling sa airport e gusto raw niyang kuma­ in tayo. Saan daw magan- dang kumain?”

“Sa bagong mall sa EDSA,” sagot ko naman.

“Sige. Naku tiyak na ma­ tutuwa si Luningning kapag nakita ang anak na si Joepe. Matabil na at guwapung-guwapo. Bibihisan ko nang maganda para hindi naman nakakahiya kay Luningning.”

Napatango na lamang ako. Sa totoo lang iniisip ko na kung paano maiiwasan si Luningning kapag narito sa bahay. Sa panahong narito siya e hindi ako titigil dito sa bahay at idadahilan ko kay Gina na maraming trabaho sa publication. Uuwi lamang ako kapag malalim na ang gabi. Sa kinabukasan ay aagahan ko ang pasok. Ga­ noon ang gagawin ko hang­gang matapos ang bakas­yon at makabalik na sa Riyadh si Luningning.

Maaga kami sa airport nang araw na darating si Luningning. Mga kalahating oras pa kaming naghintay bago nakalabas si Luning-ning.

“Ayun si Luningning!” sabi ni Gina.

Nasa hintayan kami ng mga susundo. Mabilis na­man kaming nakita ni Luning­ning. Lumapit sa kinaroroo­ nan namin habang itinu-tulak ang mga bagahe.

Nang makalapit ay agad na niyakap ni Gina ang ka­patid.

“Si Joepe? Asan ang anak ko?” iyon ang unang tanong ni Luningning.

“Ayun hawak ni Elvie,” si Elvie ang katulong namin at nag-aalaga rin kay Joepe.

Agad na nilapitan ni Lu­ ningning ang anak at binu­hat. Hinalikan at mahigpit na niyakap. May luha pang gustong pumatak sa pag­kikita ng mag-ina.

Nang matapos ang ma­dam­ daming pagkikitang iyon ay saka lamang kami nagkatinginan ni Luning­ning. Hindi ko matagalan ang tingin niya kaya ako na ang umiwas. Hindi ko alam kung ano ang kahulugan ng tingin ni Luningning.

“Tayo na!” yaya ni Gina.

(Itutuloy)

AYUN

ELVIE

GINA

JOEPE

LUNINGNING

SHY

SIGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with