^

True Confessions

Ang kasalanan namin ni Luningning (21)

- Ronnie M. Halos -

PERO katulad ng kri­ minal na muling bu­mabalik sa pinang­ya­rihan ng krimen, ga­noon ang nangyari sa akin. Ayaw ko, pero kapag naiisip ko ang mga nangyaring pagsi­siping namin sa unang gabi ni Luningning, hindi ako mapakali. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nangya­yari sa akin.

Hinatak ako ng aking mga paa isang umaga ng Biyernes sa tirahan ni Luning­ ning. Bahala na.

“O ‘kala ko hindi ka na pupunta rito?” sabi niya makaraang papa­su­kin ako.

“Sinong me sabi?”

“Wala. Kasi’y mata­gal ka bago uli nag­punta. O pinapunta ka uli ni Gina rito?”

“Pareho.”

“Anong pareho?”

“Gusto kong pu­mun­ta at utos din ni Gina.”

Napaumis si Lu­ning­ning.

“Kakain ka? May pinakbet diyan at beef steak. Bagong saing ang kanin…”

“Sige. Gutom na nga ako.”

Naghain si Luning­ning. Naamoy ko ang bango ng bagong saing na kanin. Naamoy ko rin ang beef steak.

“Kain na.”

“Ikaw?”

“Medyo busog pa ako.”

“Halika na. Sabay na tayo. Ayaw kong may nanonood sa pag­kain ko.”

“Ang arte mo na­man,” sabi at umumis uli. Ku­muha ng plato. Tumabi sa akin.

Ipinaglagay ako ng kanin sa plato. Iniabot ang beef steak. Kumut­sara ako. Tapos ay siya naman ang naglagay ng kanin sa kanyang plato. Kumut­sara rin ng beef steak.

“Gusto mo bang ma­raming sibuyas, Rico?”

“Okey na ito,” sabi ko. Nagsimula na akong su­mubo. Ma­sarap ang beef steak. Palibhasa’y hindi ako nakakakain ng ga­nitong luto sa aming messhall.

“Masarap ang luto mo, Luningning.”

“Bola!”

“Masarap nga.”

“Kung masarap bakit ngayon ka lang nag­punta.”

Hindi ako nakasa­got. Sumubo na lang nang sumubo.

“Sabagay ako man ay nagtataka sa sarili ko. Bakit ko ba na­gawa ’yun. Siguro dahil ma­hina ako.”

Naalala ko ang si­nabi ni Gina. Ma­hina raw si Luning­ning. Iyon daw ang dahilan kaya siya naaawa rito.

At hindi ko alam kung ang kahinaan na­ming dalawa ay magi­ging daan na naman sa paggawa ng pani­bagong ka­salanan.

(Itutuloy)

AKO

AYAW

GINA

KUMUT

LUNINGNING

MASARAP

NAAMOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with