“NAGPUNTA ka pa?”
Sabi ni Luningning nang buksan at pinapa sok ako.
“Sumakit bigla ang tiyan ko. Akala ko nga hindi ako makakapunta,” sagot ko.
“E sana nga hindi ka na pumunta.”
“Nasaan ang mga bisita mo?”
“Umuwi na.”
“Ba’t naman ang aga?”
“Yung iba me gaga win sa bahay at yung iba may Bible reading.”
“Yung kasama mo rito sa kuwarto?”
“Sa kapatid niya matutulog.”
“Marami ka bang handa?” “Konti lang. Halika na at kumain. Ilalagay ko na nga sana sa ref e.”
Nagtungo kami sa kusina. Nakita ko sa mesa ang pansit bihon, biko, menudo, embutido at gulaman.
“Ayan kumuha ka na lang diyan. Kung gusto mong kumain ng kanin, kumuha ka lang.”
“Ikaw?”
“Ay naku kanina pa. Gusto ko nang matulog at pagod na pagod ako.”
Kumuha ako ng pinggan. Sumandok ng kanin. Parang type ko ang menudo. Maraming niluto si Luningning. Kaya siguro ako pinapupunta ng maaga ay para makatulong sa pagluluto. Kawawa naman. Nakukonsensiya tuloy ako. Baka nga nag tatam po sa akin. Pero sa tingin ko naman e hindi. Nakatawa pa nga.
“Kumain ka uli Luningning,” sabi ko nang nag lala gay ng menudo sa platito.
“Sige lang. Kumain ka lang diyan. Inuunat ko ang likod ko. Masakit.”
Kawawa naman. Siya lahat ang nagluto. May mga nakatambak pang hugasin sa lababo.
“Kakahiya sa’yo Luningning hindi kita natulungan sa pagluluto.”
“Okey lang. Ganyan ka naman.”
“Sumakit talaga ang tiyan ko. Sorry ha? “Okey lang.”
Kukuha ako ng tubig sa ref nang mapansin ko ang bottled water doon na kakaiba ang takip. Nasa dulo iyon ng ref. Kinuha ko. Binuksan. Inamoy. Alak!
“Luningning, ano itong nasa ref? Alak ba ito?”
Tumayo si Luningning at lumapit sa akin. Kinuha sa akin.
“Sadiki ito. Dala nung kapatid ng kasamahan ko rito sa kuwarto. Hindi ko alam na magdadala.”
“Nag-inuman ba rito? Me bawas na e.”
“Kaunti lang. Sabi ko sa mga uminom huwag at delikado.”
Ipinagpatuloy ko ang pagkain.
“Baka gusto mong uminom, Rico.”
“Hindi naman ako umiinom.”
“Parang lambanog daw ito.”
Hindi talaga ako umi inom. Ayaw ko.
Kumuha ng baso si Luningning.
“O tikman mo. Paano ba ginagawa ‘yan?”
“Ewan ko.”
Si Luningning ang nagsalin. Mababang kalahati sa baso.
Dinampot ko ang baso. Inamoy. Alak talaga. Tinungga ko. Hindi ko naubos sa unang tung ga. Natira pa ang kalahati. Kumakapit ang pait sa dila. Mainit ang daloy sa sikmura.
“Masarap?” tanong ni Luningning.
“Medyo.”
Tinungga ko ang natitirang kalahati.
(Itutuloy)