^

True Confessions

Ang Kasalanan namin ni Luningning (11)

- Ronnie M. Halos -

“NAGPUNTA ka pa?”

Sabi ni Luningning nang buksan at pinapa­ sok ako.

“Sumakit bigla ang tiyan ko. Akala ko nga hindi ako makaka­pun­ta,” sagot ko.

“E sana nga hindi ka na pumunta.”

“Nasaan ang mga bi­sita mo?”

“Umuwi na.”

“Ba’t naman ang aga?”

“Yung iba me gaga­ win sa bahay at yung iba may Bible reading.”

“Yung kasama mo rito sa kuwarto?”

“Sa kapatid niya ma­tutulog.”

“Marami ka bang handa?” “Konti lang. Ha­lika na at kumain. Ilala­gay ko na nga sana sa ref e.”

Nagtungo kami sa kusina. Nakita ko sa mesa ang pansit bihon, biko, menudo, embutido at gulaman.

“Ayan kumuha ka na lang diyan. Kung gusto mong kumain ng kanin, kumuha ka lang.”

“Ikaw?”

“Ay naku kanina pa. Gusto ko nang matulog at pagod na pagod ako.”

Kumuha ako ng ping­gan. Sumandok ng kanin. Parang type ko ang me­nudo. Maraming niluto si Luningning. Kaya siguro ako pinapupunta ng maa­ga ay para makatulong sa pagluluto. Kawawa na­man. Nakukonsensiya tuloy ako. Baka nga nag­ ta­tam­ po sa akin. Pero sa tingin ko naman e hindi. Nakata­wa pa nga.

“Kumain ka uli Luning­ning,” sabi ko nang nag­ la­­la­ gay ng menudo sa pla­tito.

“Sige lang. Kumain ka lang diyan. Inuunat ko ang likod ko. Masakit.”

Kawawa naman. Siya lahat ang nagluto. May mga nakatambak pang hugasin sa lababo.

“Kakahiya sa’yo Lu­ningning hindi kita natu­lungan sa pagluluto.”

“Okey lang. Ganyan ka naman.”

“Sumakit talaga ang tiyan ko. Sorry ha? “Okey lang.”

Kukuha ako ng tubig sa ref nang mapansin ko ang bottled water doon na kakaiba ang takip. Nasa dulo iyon ng ref. Kinuha ko. Binuksan. Inamoy. Alak!

“Luningning, ano itong nasa ref? Alak ba ito?”

Tumayo si Luningning at lumapit sa akin. Kinuha sa akin.

“Sadiki ito. Dala nung kapatid ng kasamahan ko rito sa kuwarto. Hindi ko alam na magdadala.”

“Nag-inuman ba rito? Me bawas na e.”

“Kaunti lang. Sabi ko sa mga uminom huwag at delikado.”

Ipinagpatuloy ko ang pagkain.

“Baka gusto mong uminom, Rico.”

“Hindi naman ako umiinom.”

“Parang lambanog daw ito.”

Hindi talaga ako umi­ inom. Ayaw ko.

Kumuha ng baso si Luningning.

“O tikman mo. Paano ba ginagawa ‘yan?”

“Ewan ko.”

Si Luningning ang nagsalin. Mababang kalahati sa baso.

Dinampot ko ang baso. Inamoy. Alak tala­ga. Tinungga ko. Hindi ko naubos sa unang tung­ ga. Natira pa ang kalahati. Kumakapit ang pait sa dila. Mainit ang da­loy sa sikmura.

“Masarap?” tanong ni Luningning.

“Medyo.”

Tinungga ko ang natitirang kalahati.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ALAK

INAMOY

KAWAWA

LANG

LUNINGNING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with