^

True Confessions

Ang kasalanan namin ni Luningning (10)

- Ronnie M. Halos -

“AGAHAN mo ang pun­ta rito para matu­lungan mo ako sa pagluluto, puwede Rico?” pahabol ni Lu­ningning nang pala­bas na ako ng pinto.

“Sige.”

Umalis na ako.

Habang nasa sa­sakyan, nagbago ang isip ko na pumunta sa birthday ni Luningning. Hindi ako sanay na makihalubilo sa iba pang mga Pinoy. Mag­dadahilan na lamang ako kay Luningning kung bakit hindi na­ka­rating. Idadahilan kong sumakit ang aking tiyan. Hindi ako makabangon.

At saka ano ba ang papel ko sa birthday niya? Baka mara­mi siyang bisita e ma-out of place lang ako. Iyon pa naman ang ayaw ko. Kaya pinal na ang pasya ko na huwag magpunta sa Biyernes.

Pero nagkamali ako dahil nang tumawag sa akin si Gina kinabuka­san, nabanggit ko na inaanyayahan ako sa birthday ni Luningning.

“Pumunta ka, Rico. Para naman may maki­lala kang ibang tao.”

“Ayaw ko nga sana, Gina.”

“Bakit?”

“E gusto ko sanang magtulog na lang sa kuwarto ko. Wala akong hilig sa mga party.”

“Akala mo naman e malaking party ang da­daluhan. Ano lang ‘yun meryenda lang. Mahilig magluto ng mga kaka­nin yang si Luningning at siguro magpapansit.”

“Bahala na.”

“Magagalit sa iyo ‘yon. Nagsabi ka na yata na pupunta e.”

“Oo.”

“Magagalit yun.”

“Parang nabigla ako nang umuo sa kanya.”

“Pagbigyan mo na at 41 anyos na iyon. Baka hindi ka na makapunta sa kanya kapag hindi ka nagpunta.”

Hindi ako makapag­desisyon. Sana hindi ko na lang sinabi kay Gina na iniimbita ako.

“Tuwing birthday niya gusto e magha­han­da. Masarap mag­lu­to yon ng pansit at biko. Baka gumawa pa yun ng buko pandan… punta ka na.”

“Bahala na.”

“Ay naku bahala ka. Magagalit yun. Hindi ka kikibuin nun.”

Natapos ang pag-uusap namin ni Gina na walang katiyakan kung pupunta ako sa birthday ni Gina.

Nang dumating ang Biyernes ay buo na ang desisyon kong huwag pumunta. Tanghali akong gumising. Ku­main muna ako saka naglaba. Pagkatapos maglaba ay naglinis ng kuwarto. Natulog uli ako. Nagising ako ng alas tres. Kumain.

Nang mag-alas singko ay nakonsen­siya ako sa sinabi ni Gina. Baka nga maga­lit si Luningning.

Nang mag-alas si­ye­te ay ipinasya kong pumunta kay Luning­ning. Sisilip lang ako at saka kakain at uuwi na. At least, nagpunta ako kahit late.

Pagdating ko roon, nagulat ako dahil wala nang bisita si Luning­ning.

(Itutuloy)

AKO

BAHALA

GINA

LUNINGNING

MAGAGALIT

NANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with