Ang kasalanan namin ni Luningning (7)

NABUSOG ako. Hindi ko sinunod ang sinabi ni Luningning na iwan ko na lang ang pinag­ kanan. Nakikain na nga lang ako e mag-iiwan pa ng maruming ping­gan. Hinugasan ko ang mga pinggan. Hindi ako gumawa ng ingay at baka magising si    Lu­ningning na noon     ay tulog na tulog na.

Nang matapos kong hugasan ang pinag­ ka­nan ko, umalis na ako. Kinabig ko ang pinto. Sinigurado kong sa­rado bago ako umalis. Delikadong may maka­pasok na iba at baka kung anong gawin kay Luningning.

Ang pagtungo ko sa tirahan ni Luningning ay kinuwento ko kay Gina.

“Doon ako kumain. Hindi na nga ako nais­tima dahil antok na antok.”

“Sinong kasama niya sa kuwarto?”

“Hindi ko alam. Wala namang sinasabi.”

“Hindi kasi maku­wento ang lukaret na iyon. Hanggang ngayon, hindi pa ako tinata­wa­gan.”

“Masyado kasing busy si Luningning.”

“Kapag may time ka ay lagi mong puntahan Rico. Lalo pala at nag-iisa siya sa araw. Paano kung magkasunog diyan.”

“Naisip ko nga ‘yon. Parang ang tingin ko pa naman kay Luningning ay pa-easy-easy.” “Anong pa-easy-easy?” “Pa­-rang balewala sa kanya ang buhay. Kung ano ang dumating e di tanggapin.”

“Wala na yatang ba­lak mag-asawa. Mas­yado yatang nasaktan sa paghihiwalay ng boyfriend noon.”

“Biniro ko nga kung hindi na ba siya mag-aasawa. Sagot ba na­man e magbuburo na lang daw siya.”

“Lukaret talaga. Sabi naman sa akin noon, magpapaanak na la­mang daw siya. Uso naman daw ngayon ang ganoon. Kapag may anak daw siya, iyon na lang ang iintin­dihin niya.”

“Palagay ko hindi magagawa ni Luning­ning ‘yon. Ano ‘yun basta hahatak siya ng lalaki at magpapaano siya?” “Ewan ko sa lukaret na ‘yon.”

“Puwede ba yung basta ka na lang ka­kaang?”

“Ay ang bastos ng words mo, Rico.”

Nagtawa lang ako.

“Basta lagi mo lang puntahan at usisain. Baka kung ano ang mangyari kay Lukaret.”

“Oo. Kapag sinipag ako.”

(Itutuloy)

Show comments