Ninong (ika-115 labas)
MAY ibibigay na pera si Jigo? Iyon ang dahilan kaya gustong-gusto niyang magkita kami. At paalis na raw patungong Canada. Parang hindi ako makapaniwala.
Nagkasunud-sunod na ang mga tanong ko. Ang pera ko kaya ang ibabalik ni Jigo? Dollar din kaya o riyals? At totoo nga kayang pa tungo sa Canada? Sino naman kaya ang pupuntahan doon? Paano siya pupunta roon?
Para akong na-praning. Nahihibang na yata ako.
Pero hindi ko na pinahirapan ang sarili sa pag-iisip tungkol doon. Nagpasya na akong pumunta sa Batha ng gabing iyon para magkita kami ni Jigo. Bahala na! Kung anuman ang balak niya, haharapin ko na.
Wala pang alas-siyete ay nasa Batha na ako. Doon daw sa dati naming kinainan kami magkita.
Naroon na si Jigo sa kabsahan. Maaga pa pero narito na agad.
Nang pumasok ako, nakita agad niya. Kinawayan ako. Tinungo ko ang mesa niya.
“Akala ko hindi ka darating Ninong…akala ko sasabihin mo na namang maysakit ka.”
“Ha e kuwan, magaling na. Okey na okey na ako.”
“Siguro kung hindi ko sinabi na may ibibi-gay ako, hindi ka pupunta rito ano, Ninong?”
Ngumiti lamang ako. May nasundot sa konsensiya ko.
“May ibibigay akong pera sa’yo, Ninong.”
“Ba’t mo naman ako bibigyan ng pera, Jigo?”
“Kumain ka muna Ninong. Masarap ang kabsa at manok ngayon.”
Sumubo ako. Ha bang kumakain, sinabi ni Jigo ang dahilan kaya niya ako bibigyan ng pera.
“Dahil mapagkakatiwalaan ka Ninong. Talagang hindi mo ako ipinagkanulo sa ipinagtapat kong krimen. Dapat lamang akong magbayad.”
“Wala ‘yun, Jigo. Kahit hindi mo ako bigyan, ang lihim ay ma nanatiling lihim.”
“Napakabuti mo Ninong. Kapag nasa Canada na ako, hindi kita malilimutan.”
“Paano ka nga pala makakapunta sa Canada?”
“Dahil kay Cathy…”
“Sino naman si Cathy?”
“Yung nurse na naki lala ko sa isang ospital dito. Nagkagustuhan kami. Ikinasal kami bago pa siya nagtungo sa Canada. Mabilis nga ang proseso ng papeles at naayos na agad ang pa pel ko para makasunod sa kanya. Hindi ko akalain. Siguro talagang kami na para sa isa’t isa.”
“Ang suwerte mo na-man?”
“Kaya aambunan kita ng suwerte Ninong.”
May kinuha sa bag niya si Jigo. Nasa isang brown envelope. Ini- abot sa akin.
“Sa bahay mo na buksan, Ninong. Bayad ko yan dahil mapagkakatiwalaan kang kaibigan. Malaking tulong ‘yan sa’yo at sa pamilya.”
Hindi ako makapagsalita pero masayang-masaya ang nadarama ko. Ang nawala kong pera ay bumalik din. Hindi ko akalain na ga nito ang mangyayari.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending