^

True Confessions

Ninong (112)

- Ronnie M. Halos -

HINDI ko na dapat pang hangarin na maibalik ang perang nawala sa akin. Para ano pa? Kalimutan ko na lang iyon at pagsi­kapan na lamang na ma­kapag-ipon para magamit ko sa aking pamilya. Itu­ring ko na lamang na na­dukot ang pera sa aking bulsa. Nawalang parang bula. Siguro, para bigyan ako nang matinding leksi­yon. Kay Jigo na lamang ang perang iyon. Tutal, inagrabyado ko rin siya.

Hindi ko na inasahang tatawagan o kaya ay mag­ kikita pa kami ni Jigo. Sana nga huwag na. Iyon naman ang gusto ko. Ayaw ko nang magkaroon muli   ng pagkakataon na maulit ang mga nangyari sa aming dalawa noon. Kina­limutan ko na ang pagiging baliw. Bahagi na lamang iyon ng isang masamang bangu­ngot. Ayaw ko nang isipin ang mga nangyari sa amin noon.

Lumipas ang mga bu­ wan, hanggang sa lumipas ang dalawang taon. Pa­ngako ko noon kay Delia hindi na ako babalik. May naipon na naman akong kaunti dahil nagkaroon ako ng sideline. Puwede nang pangpuhunan iyon sa ka­rinderia. At saka sabi ni Delia, umuwi na ako. Kahit daw walang dalang pera, okey lang sa kanya. Ma­kakaraos din siguro kami. Mas mahalaga raw na magkasama kami.

“Sige, magsasabi na   ako sa boss ko na hindi       na magrere-contract.”

“May naipon din naman akong kaunti, Mon, pan­dagdag sa dala mo. Maaari nating palakihin itong ka­rinderya. Alam mo marami na akong kustomer. Kapag narito ka, tulong tayo. Ma­bubuhay din tayo.”

“Sige, hintayin n’yo na lang ako.”

Dalawang linggo bago matapos ang aking con-tract, ay nagsabi na ako sa boss ko. Wala namang tutol. Kapag daw gusto ko   uli na bumalik, tawagan ko lang siya.

Isang linggo bago ang aking departure, nagulat ako nang tumawag si Jigo.

“Magkita tayo, mama­ya Ninong. Sa Batha. doon sa kinainan natin. Importante lang,” mahi­nahon ang boses niya.

“Tungkol saan?”

“Mamaya ko na sa-sa­bihin, Ninong. Asahan ko ha?”

“Sige Jigo.”

(Itutuloy)

AKO

AYAW

DELIA

JIGO

KAPAG

KAY JIGO

NINONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with