^

True Confessions

Ninong (111)

- Ronnie M. Halos -

“HINDI ako nakon­sen­siya Ninong sa aking ginawang pagpapatay kay Diana. Alam ko, kasalanan sa Diyos ang pumatay pero sa tindi ng ginawa niya sa akin, tila kulang pa nga ang ginawa ko. Akalain mo, nagawa niya akong pag­taksilan habang nag­papakahirap ako rito    sa Saudi. Kaya si­guro ganun na lamang ang pagpilit niya sa akin noon na mag-Saudi, ‘yun pala me gagawin siyang masama. Kung sinu-sino pala ang kakalaruin niya. Me sakit nga sigu­ro siya.”

Hindi ko alam kung ano ang aking sasabi- hin kay Jigo. Hinayaan ko na lang siyang mag­sa­lita nang magsalita. Kaila­ngang mailabas ang sama ng loob.

“Kaya nga makaraan ang nangyari kay Diana, ipinasya ko na uli na mag­tungo rito. Mas okey pa rito sa Riyadh, mas matatahimik ang buhay ko. Mabuti na lang at wala kaming anak ni Dia­na. Kung nagkaroon ka­mi ng anak, baka mas mahirap ang nangyari…”

Tama si Jigo. Mahirap nga kung nagkaroon   sila ng anak.

“Masaya na ako nga­yon, Ninong. Kumbaga nakabawi na ako. Siguro e tuluy-tuloy na ako sa mga dapat kong gawin…”

“E hindi kaya ku­man­ta ang lalaking na-hire mo Jigo. Ibig kong sabi­hin, baka inguso na ikaw ang “utak” sa krimen.”

“Wala na rin ang hired killer, Ninong. After na mangyari ang pagpatay kay Diana, napasama yung hired killer sa robbery group. Nangholdap sila ng banko, napatay sila ng mga pulis. Kaya wala nang magngu­ngu­so sa akin. Ikaw lang at ako ang nakaaalam, Ni­nong.”

Napatangu-tango ako. Parang istorya sa pelikula ang nangyari kay Jigo. Pero iyon ang totoo — totoong kuwento ng buhay. Mahirap paniwa­laan pero totoo.

“Wala akong narinig Jigo. Wala kang ikinu­wento sa akin. Yung ki­nu­­wento mo, kuwen­tong kutsero lang yun at hindi totoo.”

“Salamat, Ninong. Akala ko, nasira na ang ang dati nating samahan. Okey ka pa rin pala.”

“Ako pa rin ang Ni­nong mo, Jigo.”

“Hindi ako nagkamali Ninong.”

Tinapos namin ang pagkain. Naghiwalay    na kami ni Jigo. Ako pa­tungong Sitteen at siya patungong Olaya.

“Magkita uli tayo min­san, Ninong. Tawagan kita. Nasa akin pa ang number mo,” sabi niya nang may parating na mini-bus na sasakyan niya.

“Sige.”

Nang nakasakay na ako sa mini-bus patu­ngong Sitteen, nakahi­nga ako nang maluwag. Naipagpasalamat ko na hindi natuklasan ni Jigo na ako man ay naging kalaguyo ni Diana.

May lihim na kaila­ngang maging lihim. Sa nangyaring iyon, okey na rin sa akin na hindi mabalik ang pe­rang na­ huthot ni Diana. Kay Jigo na lang iyon.

(Itutuloy)

AKO

JIGO

KAYA

NINONG

SHY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with