Ninong (107)

WALA na akong magawa kundi hintayin at tangga-pin ang anumang ibibigay sa akin ni Jigo — kung sun­tok, tadyak o saksak, dahil sa nagawa kong kasala­nan sa kanya. Pero kung ganoon ang gagawin sa akin ni Jigo sana ay hindi na niya ako tatawaging “Ninong” at hindi na rin niya ako paghihintayin pa. Kung matindi ang galit niya sa akin dahil sa nagawa kong pag-ipot sa kanya, baka sugurin na lang niya ako at saksakin.

Alam kaya niya na ako ang tumarantado sa kan­ ya? O wala siyang alam? Naguguluhan ako. Hindi   ko alam ang gagawin sa pagkakataong iyon.

Hanggang sa maram­daman ko ang tapik ni Jigo sa kanang balikat ko.

“Ninong! Ako si Jigo!”

Wala ang inaasahan kong paghihiganti. Ang nasa likod ko ay taong tila sabik sa muling pagkikita.

“Nalimutan mo na yata ako Ninong at tila hindi       mo na ako kilala,” sabi ni Jigo na lalong nagpatibay sa aking iniisip na wala siyang alam sa nangyari sa amin ng kanyang asawang si Diana.

“Sorry Jigo kasi’y akala ko kung sino lang ang tu­matawag sa akin,” pagsisi­nu­ngaling ko.

“Nagmamadali ka ka-sing makasakay Ninong     na parang may iniiwasan.”

“W-wala.”

“Ang alam ko Ninong e nag-finish contract ka na?”

“O-oo nga. Nagbalik uli ako dahil walang trabaho    sa atin.”

“Kumusta Ninong?”

“M-mabuti naman.”

“Parang nakakita ka ng multo, Ninong?”

“Ha? A e kuwan. Hindi kasi ako makapaniwala na narito ka rin sa Riyadh, Jigo.”

“Malaking istorya Ni­nong. Siguro hindi ka mani­ni­ wala sa mga ikukuwento ko…”

Ako ay nakanganga sa sinabi ni Jigo. Malaking istor­ya? Mas malaki pa kaya      sa istorya ko kasangkot ang kanyang asawa?

“Halika muna Ninong at kumain tayo, kahit kabsa lang. Marami akong sasa­bihin sa’yo…”

“Tungkol kanino, Jigo?”

“Sa asawa ko.”

“Kay Diana?”

“Oo.”

“Sa iyo ko lang sasabihin ito, Ninong…”

Bumalik kami sa kainang nasa likod ng isang banko sa gawing likuran ng Ba-tha Hotel. Si Jigo ang umor­der ng kabsa. Nang nasa ha­rapan na namin ang   isang bandehadong kabsa, isang malaking chicken, at dalawang Pepsi na nasa lata, nagsimula kaming kumain. Kamayan style. Sa pagitan ng pagsubo, iki­ nuwento ni Jigo ang tung­kol kay Diana. Pinakinggan kong mabuti ang kuwento ng aking inaanak.

(Itutuloy)

Show comments