Ninong (ika-105 na labas)
MAHIGPIT ang paa laman namin ni Delia ganundin ang dalawa kong anak nang pa-alis na ako patungong Riyadh. Matibay ang pangako ko sa kanila. Sabi ko, kapag nakaipon nang ipangtatayo nang isang malaki- laking karinderya ay titigil na ako sa pagsa-Saudi. Para sa kanila kaya ako muling lalayo pero mas matindi na ang pangako na hindi na maliliko nang landas. Nakita ko ang nagbabantang pagtulo ng luha ni Delia pero naagapan ng panganay kong anak.
Nang dumating ako sa Riyadh ay marami nang pagbabago. Sa maikling panahon na wala ako roon ay naiba na ang aming tirahan. Hindi na sa 4-star hotel kundi sa mga villa na nasa isang compound. Wala na rin ang mga dati kong kasama sa trabaho. Pawang bago na at mga naroon. Pati ang mga namamahala sa housing ay mga bago na rin. Siguro’y naapek tuhan ng Saudization kaya marami sa mga kasamahan ko ang tinapos na ang contract. Malakas nga lamang ako sa aking boss na Saudi kaya na-hire uli ako. Kung tutuusin, over-age na ako kaya impo sible nang ma-hire uli.
Ang dati ko pa ring trabaho ang hinawakan ko. Sabi ng boss kong Saudi, nang umalis daw ako noon e nagkagulo-gulo ang mga record sa department niya. Isang Indian daw ang pumalit sa akin at hindi raw siya nahuhusayan. Kaya raw nang sumulat ako sa kanya at nakiusap, agad siyang nagdesisyon na kunin uli ako. Ini lipat naman ang Indian sa ibang department.
“Muskila Ramon?” tanong ng boss ko minsan habang ako ay nag-iisip sa harap ng computer. “Homesick?” sabi pang nagtatawa.
“Mafi muskila, Ab-dulaziz.”
Ang totoo’y naiisip ko ang aking mag-iina. Homesick nga talaga ako. Ngayon ko lamang nadama ang tunay na pangungulila sa aking mag-iina.
Pero dahil sa matindi ang aking pangarap na makapag-ipon para may maipuhunan sa karin derya na balak namin ni Delia, napagtiisan ko ang kalungkutan. Madalas kong tinatawagan si Delia at ang dalawa kong anak. Lagi kong kinukumusta ang kanilang kalagayan.
Mahigit isang taon na ako rito sa Riyadh nang makita sa Batha ang lalaking may malaking kaugnayan sa aking buhay. Si Jigo!
(Itutuloy)
- Latest
- Trending