^

True Confessions

Ninong (ika-99 na labas)

- Ronnie M. Halos -

NAALALA ko ang ka­raniwang ipinahihi­gop sa mga tinatrang­kaso ay mainit na sabaw. Maski noong maliit pa ako, naalala kong pi­ nagluluto ako ng na­ma­yapa kong ina ng tinolang manok na native para maka­higop nang mainit na sabaw. Kapag pinag­pawisan, tiyak na ka­samang mawawala ang lagnat at sakit ng katawan.

Naghanap ako nang mailulutong may sa­baw sa refrigerator. Nakita ko ang giniling na baka roon. Matagal nang nasa ref kaya frozen na. Ibinabad ko muna sa tubig para lumambot. Ito ang ga­gawin kong batsoy Tagalog. Habang pinala­lambot ko ang giniling ay bumili ako ng isang tali na miswa sa tinda­han sa labas. Naggayat ako ng luya at sibuyas. Iginisa ko ang giniling. Isinama ko ang ginayat na luya at saka tinim­plahan. Saka nilagyan ko ng tubig at pinakulo nang pinakulo para lu­mambot ang giniling. Nang kumukulo na ay inihulog ko ang miswa. Mabangung-mabango nang maluto. Dinag­da­ gan ko pa ng isang kurot na asin dahil ma­tabang. Tinikman ko. Sarap ng sabaw. Ku­ma­gat ang luya. Batsoy na batsoy.

Naglagay ako ng sabaw sa isang tasa. Nagdala ng kutsara at saka dinala kay Delia    sa kuwarto.

“Del, itong batsoy, humigop ka para ma­wala nang tuluyan ang lagnat mo.”

Nagmulat si Delia. Ibinaba ko muna sa pan­dak na mesa ang tasang may batsoy.

“Ibangon kita para makahigop ka nang ayos. Tamang-tama ang mainit na sabaw.”

Tumango. Inalala­yan ko sa pagbangon. Kinatangan ko ng unan sa likod. Kinuha ko ang batsoy at saka nilapit kay Delia.

“Tamang-tama lang ang init nito. Ikutsara kita?”

Tumango. Ikinutsara ko ng sabaw. Isinubo. Tinanggap ng panlasa. Kumutsara uli ako. Isi­ nubo.

“Masarap?”

Tumango. Okey pala. Kumutsara uli ako. Si­ nubo uli. Hanggang sa sunud-sunod na. Nau­bos ang batsoy Tagalog.

Ibinalik ko siya sa pagkakahiga. Sinalat ko ang noo. May nasalat akong butil ng pawis. Salamat at pinawisan. Mabilis ang epekto ng batsoy? Nakahinga ako nang maluwag. Inayos ko ang kumot niya.

Nang lalabas na ako ay ipinaalala sa akin ang pagkain ng aming dala­wang anak. Ipaghanda ko raw ng pagkain.

“Oo. Magluluto na ako.”

Dalawang araw ang nakalipas at ganap nang magaling si Delia. Pero hindi pa siya ma­kapag­tinda.

Ikatlong araw ay ako ang namalengke ng ilu­lutong ulam para pang­tin­da. Tinulungan ko sa pagluluto. Katu­long ako sa pagtitinda. Naubos agad ang ulam naming tinda.

Makalipas ang isang linggo ay balik si Delia sa dating gawain. Pero pinaalalahanan kong huwag magpa­ kapagod.

Minsan isang uma­ ga nasa karinderya siya ay nakarinig ako ng pagtatalo. Kasalu­kuyan akong naghu­hu­gas ng pinggan sa kusina. Nang lumabas ako para tingnan kung ano iyon, isang lalaki ang nagmumura sa harap ni Delia! Minu­mu­ra ang asawa ko. Sumugod ako sa ka­rinderya! (Itutuloy)

AKO

BATSOY

DELIA

KUMUTSARA

NANG

PARA

PERO

SHY

TAMANG

TUMANGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with